Saturday, November 8, 2008

BARYA


BARYA

Maulan ang umagang iyon nang magawi ako sa isang tindahan sa looban ng kalye M. Cruz sa Mandaluyong. Hindi lang basta sari-sari store 'yung naturang tindahan kundi para na rin itong isang mini-talipapa, dinarayo ito ng mga mamimili dahil medyo malayo ang palengke sa aming lugar. Kumpleto rito, mula sa mga gulay at isda hanggang sa lahat ng klase ng karne. Isang produkto lang yata ang hindi mabibili rito. Niyog.

Siksikan ang mga mamimili nang oras na iyon, malapit na kasi ang pananghalian kaya't abala na ang mga nanay sa pagbili ng kanilang iluluto. Ako ma'y kinakailangan na ring mag-asikaso ng ihahain sa aming hapag.

Habang nakapila'y natawag ang aking pansin ng dalawang batang gusgusin na panay ang kalkal sa rumaragasang tubig sa kanal na nasa harap ng tindahan, napakarumi at napakaitim ng pusali subalit tila walang ano man sa dalawang paslit na hinahalukay at sinasalat ang kailaliman nito na parang may kung anong kayamang hinahanap ang mga ito. Napaisip ako. Ano kaya'ng meron du'n? Ginto? Brilyante? Chickenjoy?

"Nakailan ka na?" tanong ng isa sa kasama.

"Sampu," tugon nito.

"Ina mo! 'Wag kang maduga diyan ha?! Baka bawasan mo!"

Mag-aaway pa ang dalawa, eh ano nga kaya ang hinahanap nila roon na dahilan para magmistula silang nagmimina ng mikrobyo sa kanal na iyon.

Sa wakas, wala na ang mga kagitgitan kong mamimili, solo ko na ang tindahan, wala nang kokontra. Matapos kong makabili ng dalawang pirasong sayote at bente pesos na galunggong ay tumalikod na ako sa mini-talipapa. Hinagilap ng mga mata ko ang dalawang bata sa kanal subalit hindi ko na sila makita.

Habang naglalakad papauwi ay palaisipan pa rin sa'kin kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga gusgusing paslit sa kanal sa harap ng tindahang iyon.

Naputol ang pag-iisip ko nang paglabas ko sa kalye M. Cruz ay nakita ko uli iyong dalawang bata sa tabi ng kalsada, nakasilong ang mga ito sa isang tindahan, mukhang nagpapatila ng ulan. Hindi na ako nakatiis kaya nilapitan ko ang mga ito at inusisa, tiniis ko ang makabaliktad sikmurang alingasaw na nagmumula sa mga ito.

"Anong hinahanap n'yo du'n sa kanal, boy?" tanong ko sa dalawa.

Hindi agad nakakibo ang mga bata, waring tinatantiya ako, bakit nga naman ako magkakainiteres na tanuningin sila tungkol sa ginagawa nila kanina? Tingin ko'y nakaramdam sila ng takot.

"Huwag kayong mag-alala, wala kayong ginagawang kasalanan, gusto ko lang malaman kung ano 'yung hinahanap n'yo roon sa pusali," sinundan ko ng ngiti ang sinabi kong iyon para maramdaman ng mga bata na wala akong tangkang masama sa kanila.

"Barya po. Naghahanap po kami du'n ng mga barya, 'yung nahuhulog sa mga bumibili, blangko ang mukha ng bata habang sinasabi iyon.

"Barya? May nakukuha naman kayo?"

"Opo."

"Magkano?"

"Ngayon po naka-trenta pesos kami."

"Trenta? Marami-rami rin ano? Saan n'yo naman ginagamit?"

"Ibinibili po ng bigas," nasulyapan ko ang mga mamisong barya sa kamay ng bata matapos nitong sambitin iyon. Marumi at nangingitim ang mga perang hawak ng dalawa.

Parang tinurok ang puso ko sa narinig kong iyon. Ganito na ba talaga kahirap ang buhay ngayon? Laking pasasalamat ko't hindi ko naman naranasan ang ganito noong bata ako. Laking pasasalamat ko't nakakakain ako hanggang ngayon nang maayos na hindi na kailangang maghalukay ng barya sa pusali. Laking pasasalamat ko't ang kakainin naming galunggong at sayote'y galing sa katas ng aking utak at hindi sa "katas" ng maruming kanal.

Habang sinasabi ng mga bata na isang beses sa isang linggo raw sila kung "mangalakal" ng barya sa kanal at palagi silang may nakukuha, isinumpa ko sa sarili ko na babawas-bawasan ko na ang pagiging mareklamo. Sa halip, ipagpapasalamat ko na lang na naging mas mapalad pa rin ako kesa sa ibang nilalang dahil ang ginigiling ng sikmura ko'y hindi "katas" ng pusali.

Thursday, October 2, 2008

ANO'NG LATEST?

Ilang buwan rin akong hindi nakapagsulat ng entry sa blog na 'to. Sa dami ng nangyari sa'kin, hindi ko alam kung ano ang una kong ikukuwento.

Anyway, nagbalik ako recently sa animation industry bilang isang artist, and I'm so thankful dahil  natuto ako sa larangang ito na palagi kong nagiging fall back sa oras nang kagipitan. Medyo nagbago na rin ako slightly ng lifestyle, bawas na ang pag-inom ng alak at makokolesterol na pagkain. Naaalarma ako dahil 32 pa lang ako'y may kung ano-ano na akong nararamdaman sa katawan. May ilan akong mga kaklase nu'ng hayskul na kung hindi pumanaw na'y naoperahan dahil sa sakit na dulot ng pag-aabuso sa katawan.

Sa ngayon, may "niluluto" akong proyekto kasama ang isang kaibigang casting director sa isang kilalang TV network, binubuhay ko rin muli ang interes ko sa paggawa ng pelikulang didyital (Indie Film).

Tungkol sa komiks; nagulat ako nang makabasa ako ng isang bagong comment sa kauna-unahang post ko sa blogsite na ito. Si Rey Leoncito, bumisita sa blog ko. Dati siyang editor ng GASI at una kong naging mentor noong nag-uumpisa pa lang ako sa komiks. Nakatutuwang isipin na naaalala pa niya ako pati na ang mga pinagsamahan namin noon bilang editor-contributor. Kung mababasa man niya ito, ipinaaabot ko ang pasasalamat sa kanya, malaki ang naging papel niya sa naging buhay ko sa komiks. Sir "Madman", bigay ka naman ng contact info mo para lubos tayong magka-kumustahan.

Samantala, nagpapasalamat rin ako sa mga bumubuo sa WEBKOMIKS sa pag-link nila rito sa blog ko. Okey naman 'yung site nila, maganda ang objective saka konting improvement na lang ang kailangan. Alam ko namang open sila for comments para sa mas ikagaganda ng site.

Ito na muna siguro ang maibabalita ko sa ngayon. I have more plans na kasalukuyan kong inaasikaso, may kinalaman sa komiks 'yung iba. Will keep you posted, guys! 

GOD bless!

Sunday, August 31, 2008

FALLEN SWORD

Ito ang isa sa mga dahilan maliban sa pagiging abala sa trabaho at pamilya kaya hindi na ako nakakapag-post sa blog na 'to. Try n'yo. Just click and get hooked!

Tuesday, May 13, 2008

SENTIMENTS OF JOHNNY PASAN-CRUZ

"HIK HIK HIK HIK HIIIIKKK!!!"

“RAMDAM KO ANG PAG-ASENSO.”

Is this a new tagline of the Philippine government? My attention was caught that morning by a medium-sized billboard posted along the sideways of a certain LRT station in Manila, the words above were spelled in huge letters beside the smiling image of our country’s COMMANDER IN CHIEF. The same message is repeatedly advertised on national television and on various spreadsheets as well.

I sighed and took a deep breath. As the train goes along the tracks, I watched the busy streets of Manila. I observed a number of dirty beggars on the sidewalks, kids playing without underwear, a pregnant malnourished mother carrying her one-year-old baby, vendors yelling and skirmishing to win a costumer’s favor, a family who refuge in a pushcart, minors with weary eyes selling sampaguita, piles of rubbish scattered in some parts of the metropolis, abandoned buildings, squatters sitting like mushrooms.


"Lost Paradise"

INA: Pasensiya ka na sa "chedeng" natin, Totoy...mahal ang gasolina.
ANAK: Okey lang 'yun, mommy...sikat naman tayo. Nakatingin sila sa'tin, o!

INA: Pagtiyagaan mo munang ngatain 'yang papel, anak...wala pa tayong pambili ng bigas.
ANAK: Kelan po ba tayo mag-ja-jalibi?

"Bili na po kayo! Gugulpihin na naman ako ng tatay ko
'pag hindi ko 'to napaubos, wala siyang pambili ng gin!"


I figured out, the “dwarven monster” in the palace is sending the wrong message. If she's referring to our nation’s development, well, her nose might grow 12 inches longer like Pinocchio after her evil godmother cast a spell on her for telling lies. Kaninong pag-asenso ba ang tinutukoy niya? Sa Pilipinas o sa sarili niya at sa kanyang mga kampon?

"Whooo! Hinde! Hindi ko na sasabihing mas
masarap ang borjer ni Abalos kesa sa Mcdo!"

Rice is the prime commodity in this country. According to the government, the number of Filipinos grew nearly 88.57 million as of August 2007 from 76.50 million in May 2000. The population surge means more mouths to feed. Despite the increasing number of Filipinos, the government is still not planning to alter its population policy, which is limited to promotion of natural family planning and responsible parenthood. We are currently experiencing rice shortage, a fact that cannot be denied. Fuel price increase is the main culprit, it’s a domino effect. Pati ang pandesal, lumiit na nga’y dumoble pa ang presyo. Not to mention the inconsistency of MERALCO’s electricity charges. 
RAMDAM N’YO BA ANG PAG-ASENSO?



Back in the 80’s, your P100 can buy 10 kilos of rice or more; nowadays, you can take home merely 2 kilos if you have 100 bucks in your pocket. ‘Yung sukli, kulang pang pambili ng tuyo at kape. GRABE!
UMAASENSO NGA ANG PILIPINAS!

The government is planning to import 2.2 million metric tons of rice from our neighboring countries. Is this a solution? Or just another window for the administration on the way to a new scam? Baka naman magka-hokus pokus-an na naman sa presyohan. Kawawa naman ang mga mamamayang tulad natin na nagbabayad ng malaking buwis! BUWIS-ET!

Anti-Arroyo protests and rallies are not appealing, hindi ito pakikinggan ng maliit na ale sa MalacaƱang. Kahit magpagulong-gulong ang lahat ng Pilipino sa Mendiola at sa harap ng palasyo, hindi siya bababa sa puwesto. Ilang taon na lang ba ang natitira sa termino niya? Even if she face impeachment trial, the time is already running out. Ilang taon ba inaabot ang pagdinig dito? Baka tapos na ang term niya, hindi pa siya nahahatulan. Sino pa ang i-i-impeach kapag gano’n ang nangyari?



Then, what is the real solution to this poverty? 
Change of the government system? Empowerment of the religious sector? Or is it simply revolutionizing our lifestyle?

Our government is the easy target to blame for all of these deficiencies, there’s no question ‘bout that. Wala na sigurong matinong presidente na uupo sa puwesto dahil sila man, tulad ng karaniwang pinoy ay may mga pansariling pangangailangan din, may mga personal na hangarin at pangarap sa buhay. This “syndrome” lurks in every household up to the highest position in the government.

Lahat tayo nangangarap umunlad ang pamumuhay, it all differs on how we fulfill our ambitions and personal agendas.

Sana lahat tayo matutong lumaban nang parehas para marmadaman natin ang tunay na pag-asenso.

"May gamot ba kayo diyan sa almoranas? Aruuuyyy!"

Tuesday, April 22, 2008

LOVE STORY


Nu'ng kasagsagan ng pagsusulat ko sa komiks, pawang mga horror stories ang naisusulat kong kuwento, I never tried to write love stories sa umpisa ng writing career ko, sabi ko kasi sa sarili ko, hindi ako romantikong tao, hindi nga ako marunong manligaw noong kasibulan ko. Isa pa, nariyan ang takot sa'kin na baka hindi ko kayang magpakilig at magbigay ng pananaw patungkol sa larangan ng pag-ibig. Pero nang dumami ang mga komiks na love story ang tema, naengganyo ako na subukang magsulat ng mga kuwentong tungkol sa pag-ibig, na-realize ko na kailangan kong ma-overcome ang doubt ko sa sarili kung kaya ko ngang makapagsulat ng gano'ng tema. Paano ko malalaman kung hindi ko susubukan?

Then i tried to pass my first short love story sa Beloved Komiks, hango ang kuwento sa personal kong karanasan tungkol sa first girlfriend ko, tuwang-tuwa ako dahil natangap ang script ko, unfortunately, hindi ko na nai-save ang kopya ng kuwento.



Magmula noon, nagkasunod-sunod na ang pagpasa ko ng mga love stories sa mga editors, naging madalas ang paglabas ng kuwento ko sa Lovelife, Love Affair at Love Notes komiks. Napatunayan ko sa sarili ko na hindi lang pala ako nakakahon sa mga horror stories at kaya kong maging flexible sa pagsusulat ng kahit anong tema ng mga kuwentong komiks.

Nasa ibaba ang isa sa mga nasulat kong love story na lumabas sa Love Affair Komiks na idinibuho ni Jose Martin Jr., ito'y hango rin sa personal kong karanasan, nang basahin ko uli ang kuwentong ito'y medyo nainis ako sa sarili ko, you may find it unfair sa babaeng nasa story dahil sa ginawa rito nu'ng lalaki (ako), pero everything has a purpose, itinuturing ko na lamang na bahagi ng aking nakalipas ang kuwentong ito.

Enjoy reading!







Special thanks to Arman Francisco for sending me this image files.

Friday, April 4, 2008

NOSTALGIA





SUMPANG BUHAY
writer: Lito Java Tanseco
illustrator: Rey Macutay
colors: Meng Fabian


Binubulatlat ko ang gallery ng website ni Romel Fabian nang matawag ang pansin ko ng obrang nasa itaas, akala ko foreign comics, nang tingnan kong mabuti, lokal pala, iyong mga tipo ng kuwento na lumalabas noon sa mga horror komiks bago bumagsak ang industriya. Sabi ko sa sarili ko: "Sana noong panahon namin, naging ganito kataas ang kalidad ng lahat ng mga obra na mababasa sa mga komiks na pinagsulatan namin." Siguro'y baka nagdalawang isip pa ang mga publishers na isara ang kanilang mga kumpanya. Sa aking pananaw, kung nagkaroon ng ganitong quality ang mga laman ng lahat ng komiks, baka maaaring buhay pa ito hanggang ngayon. Ang problema, hindi ito nangyari dahil sino nga ba namang artist ang mag-aaksaya ng oras na gawing ganito kapulido ang trabaho kung kahit pambili ng tinta ay nahihirapan silang i-produce dahil sa napakabulok na sistemang umiral noong "armaggedon" ng pinoy komiks? Noong panahong ultimo trenta pesos ay itsene-tseka pa ng publisher na tumatalbog pa!

Anyway. those were the days. Wala na tayong magagawa roon, nangyari na, tapos na. Narito na tayo sa panahon kung saan pinipilit nating lagyan ng oxygen ang isang comatose na pasyenteng wala na yatang balak huminga. Sa patindi nang patinding krisis sa bansa, mukhang lalong bumibigat ang ating mga paa para makahakbang pataas sa mga susunod na baytang. Lalo na ngayon na sobrang mahal ng bigas na siya nating pangunahing pagkain.

Ano bang unang bibilhin ng tao? Bigas o komiks?

Haaayyy...nakakadismaya. Mananatili na lang yata talagang alaala ang mga masasayang panahon kung kailanan namumulaklak sa komiks ang mga bangketa, kung saan masayang labas-masok sa mga publications ang mga manunulat at dibuhista.

Nakaka-miss talaga. Ngayon, para mapagbigyan ang passion ng mga komikero, kanya-kanyang diskarte tayo para mailabas ang nag-uumalpas na dugo sa mga ugat ng isang alagad ng komiks. May mga nagpalamon na lang sa kolonyalismo, may ibang sinakop ang internet, may mga naglabas ng kani-kanilang komiks (self-published), may tulad ng grupo namin (Backdoor Publishing) na nangarap suntukin ang buwan pero naubusan ng lakas.

Para sa'kin, kahanga-hangang mga tao ang mga komikero kung pagmamahal sa sining na napili natin ang pinag-uusapan. Siguro'y hindi mawawala ang nag-aalab na pagmamahal natin sa komiks hanggang sa huling hibla ng ating mga hininga.

Lalo akong naging nostalgic nang makita ko kung sino ang writer ng kuwentong nasa itaas. Si Lito Tanseco, isa sa mga itinuturing kong matalik na kaibigan sa komiks. Punong-puno ang utak ko ng mga alaala ng mga pinagsamahan namin. Siya ang una kong naging kaibigan sa GASI bago pa man sina Ron Mendoza. Nagkasama kami ni Lito sa isang scriptwriting workshop na binuo ng yumaong Giovanni Calvo, naging mentor din namin doon si Vincent Kua na sumakabilang buhay na rin.

Naaalala ko pa, nang minsang pasyalan ako ni Lito sa Bahay na inuupahan namin, hindi niya naiwasang mainis, bakit raw kasi nagtitiyaga ako sa ganoong tirahan, may paupahan naman sila na maayos. Medyo hindi kasi maganda ang tinitirhan namin ng pamilya ko noong mga panahong iyon dahil magmula nang nag-umpisang bumagsak noon ang komiks, hindi ko na nakayanang umupa ng disenteng tirahan. Sa madaling sabi, nakalipat kami sa pinauupahang bahay nina Lito. Napakalaking bagay nito para sa akin na tinatanaw kong malaking utang na loob sa kanya. Pero may mga pangyayaring nagaganap nang hindi natin inaasahan. Nagkaroon ako ng problema na may kinalaman sa naturang paupahan, nalamatan ang pagiging magkaibigan namin ni Lito. Alam ko, masama ang loob niya sa'kin, hindi na kami nagkausap mula noon at nawalan na ako ng balita sa kanya hanggang ngayon. Sa mga sandaling ito, hindi naaalis sa isip ko na humingi sa kanya ng tawad at paumanhin dahil sa nangyari, hindi ko kontrolado at hindi ko ginusto ang mga kaganapang iyon noon. Naniniwala ako na kayang paghilumin ng panahon gaano man kalalim ang sugat, lalo na't may pinagsamahan kami ni Lito Java Tanseco.


Patalastas: DARKPAGES, STILL AVAILABLE!


Sunday, March 30, 2008

DARK PAGES FOR SALE


A series of unexpected events led us to finding a few good and unadulterated copies of DARK PAGES issue #1. We are selling it and if you're interested in purchasing a copy/s, please send me an email (aseroproduction2006@yahoo.com.ph) so we can talk about the gory details. Or you can call or text me at 09185017734 (my mobile) and 7387319 (my landline).

Read about DARK PAGES here. Just scroll down the page to find the related articles.

Thank you.

Saturday, March 29, 2008

KAYA BA ITO NG SIKMURA MO?



Tumitingin ako ng mga pictures ng isa sa mga nasa friends list ko sa FRIENDSTER nang mapansin ko ang larawang nasa itaas. Kung mahina ang sikmura mo, huwag mo nang titigan, baka lumabas lahat ng kinain mo. Nurse kasi iyong may ari ng profile na pinagkunan ko ng larawang ito.

Naalala ko tuloy nu'ng bata ako, pinangarap ko ring maging doktor, siguro kung natupad iyon, "nagkakatay" rin ako ngayon ng human body. Patapangan lang talaga ng sikmura kapag ganu'n ang trabaho mo, sanayan. Ngayon ko lang natitigan kung ano talaga ang hitsura ng lamanloob ng tao nang makita ko ang picture na ito. Wala rin pala halos kaibahan sa internal organs ng baboy.

Napansin ko na malaking bahagi pala ang ino-occupy ng atay sa loob ng tiyan natin. Kaya pala itinuturing itong isa sa mga vital organs. Ito rin kasi ang pinakamalaking internal organ ng tao. No wonder, kailangan nating bigyan ng extra care ang parteng ito ng katawan natin. Bigla tuloy akong na-paranoid, malakas kasi akong uminom, alam naman natin na alak ang numero unong liver destroyer. Minsan pa nga nararamdaman kong parang pumipintig ang parteng kinalalagyan ng liver ko kapag nakakainom ako ng alak.

May ilan siguro sa mga manunulat / illustrator na katulad ng trip ko kapag nade-depress. Pinagbabalingan ang alkohol. Noong medyo bata pa ako, kapag problemado ako pero kailangan kong magsulat, bukod sa typewriter ay may kaharap akong bote ng gin at isang platitong mani, pakiramdam ko kasi mas creative ako kapag may tama ng alak kaya hindi nade-destruct ang concentration ko kahit may problema akong iniisip.

Noon iyon.

Mabuti na lang at nagawa kong baguhin ang masama kong habit kapag nagsusulat. Ngayon, paminsa'y umiinom pa rin ako habang nasa harap ng computer, pero hindi para maglasing kundi para manghingi ng antok sa alak kapag sinusumpong ako ng insomnia.

Hindi kasi tayo bumabata, as we grow old, humihina rin ang mga internal organs natin kaya nagiging prone tayo sa mga sakit. Hindi lang naman sa alak nakukuha ang sakit sa atay kundi maging sa mga kinakain natin tulad ng mga fatty foods. We all know naman kung anong mga pagkain ang dapat nating i-moderate ang intake. Hindi naman sa ide-depreive natin ang mga sarili natin na makatikim ng masasarap. Pero lagi nating tatandaan na "MASARAP ANG BAWAL."

Sana maging liver lover tayo habang maaga pa para mas ma-enjoy natin ang buhay.

Wednesday, March 26, 2008

BITUKA



Nitong mga nakaraang araw, napabalita ang tungkol sa mga nawawalang bata. Diumano'y kinukuha raw ang mga ito ng isang sindikato na nakasakay sa isang van na kulay puti. 16 yrs. old pababa raw ang mga nagiging biktima.

Anong ginagawa nila sa bata? Kinukuha raw ang mga internal organs. Nagkalat ang balita tungkol sa maraming bangkay ng mga bata na natatagpuan, butas ang tiyan ng mga ito at nawawala ang ilang parte ng lamang loob. May nakukuha pa raw na pera sa loob mismo ng mga bangkay, nagkakahalaga ng P5,000 hanggang P30,000 ang iniiwan ng mga salarin at nakabalot ito sa plastic, tila ba kabayaran nila sa buhay ng batang biktima. Ito lang ba ang halagang katumbas ng buhay ng tao?

Noong una kong nabalitan ang tungkol rito, hindi ako naniniwala. Pero nang magkuwento ang mismong kapatid ko na nakipaglamay sila sa isang batang biktima ng "lamanloob gang", napaisip ako. Nang minsang namalengke kami ng partner ko, naulinigan namin ang bulung-bulungan ng mga tindera tungkol sa mga batang naging biktima ng sindikato. May mga artikulo rin akong nakita na magpapatunay na totoo ang mga pangyayaring ito.

Anong ginagawa sa mga internal organs? May mga teyoriya na pinag-aaralan daw ito ng mga doktor, meron ding nagsasabi na kulto raw ang nasa likod nito, may mga naniniwala pa rin na grupo ng mga modernobng aswang ang dumudukot sa bituka ng mga bata at kinakain ito.

Ang nakakapagtaka, mariin itong itinatanggi ng pulisya kahit na maraming nagpapatunay sa kaganapang ito. Maging sa telebisyon ay tila yata wala akong halos nababalitaan, para bang mauy news block out tungkol rito.

May sarili akong iniisip na dahilan. Hindi kaya ang gobyerno at kasalukuyan mismong administrasyon ang may pakana nito? Unang-una, mukhang may malaking budget sila para rito. Pangalawa, 'yung news block out kuno, hindi nagbibigay ng definite statement ang media tungkol dito para hayaan ang mga mamamayan na mag-isip at paniwalaan ang mga takot na naglalaro sa imahinasyon ng mga ito. Pangatlo, dahil dito, mada-divert ang atensiyon ng mga tao. Sa halip na matutukan ang mga kinasasangkutang katiwalian ng pamahalaan, mas pagtutuunan ng pansin at pag-uusapan ng mga mamamayan ang "laman loob gang".

Kung totoo ang haka-haka kong ito, anong klaseng uri ng mga tao ang nakaupo sa puwesto? Hindi man nila kinakain nang literal ang mga internal organs, para na rin silang mga aswang na halang ang bituka na naghahasik ng lagim sa nagdarahop na bansa!



Please visit mg old blogsite.

Wednesday, March 19, 2008

GAME OF LIFE



Nagbukas ako ng Friendster account ko kanina lang bago ko isulat ang post na ito. After several months, nakita ko uli 'yung isa ko pang Blog sa Friendster; Natawag ang pansin ko ng isa kong lumang post, may kinalaman ito tungkol sa sistemang umiiral sa production team namin noon sa programang "Nginiiig" ng ABS-CBN. Ginamitan ko lang ito ng simbolismo para hindi direktang makasakit sa mga kasama ko dati sa naturang show.

Naisip kong i-republish ang naturang post dito sa blog na 'to dahil sa palagay ko'y makakapagbigay ito ng kahit konting inspirasyon para sa atin na nagnanais na muling pasiglahin o "buhayin" ang local komiks industry natin. Well, pwede ring i-relate ito sa ibang bagay. Bahala na po kayong magbigay ng interpretasyon...



Sa larong basketball, isa sa important factor ang TEAMWORK. Siyempre, nandiyan ang individuality ng bawat player, kanya-kanyang galing, kanya-kanyang abilidad; may shooter, rebounder, magaling sumalaksak, mang-agaw ng bola etc. Pero definitely, hindi magwo-work ang mga ito kung magkakanya-kanya sila ng pakitang-gilas at pagsisipsip sa coach para lang mabigyan ng mas maraming playing time. Apektado ang performance ng team kasi nga, kanya-kanya. May mga instances na nagkakaroon ng inggitan among the players, may mga mahilig manaksak sa likod para sa mas ikahahaba ng kanilang buhay. Meron namang supportive sa team mates nila, those who always share ideas, techniques and game plans with others kasi iyong kapakanan ng team ang iniisip at hindi ang sarili lang niya. Iba-ibang ugali, iba-ibang pagkatao, pero dapat magbuklod para magtagumpay sa bawat laban. Sa isang team, dapat nagtutulungan, dapat sinusuportahan ang isang miyembro kung saan ito mahina, binibigyan ng moral support sa halip na discouragements at mga pang-iinsulto. Kasi kung ganito, magiging mababa ang self esteem ng isang player, off course, apektado nito ang quality ng kanyang laro at performance. What if may isang player na comatose sa ospital ang isang mahal nito sa buhay, pero championship game nila? Off course, professionalism, kelangang maglaro ng player as if wala siyang problema. For sure, makakapaglaro naman nang maayos ang player, provided, ipakita ng kanyang mga kasama na may care sila, na para silang isang pamilya sa team...na sila'y parang tunay na magka-KAPAMILYA, bigyan siya ng moral support at encouragement ng kanyang team mates. Dapat bang sabihin ng isang coach na: "WAG KA MUNANG MAGLARO, BUMALIK KA NA LANG SA TEAM 'PAG WALA KA NANG PROBLEMA!" Whoa! parang sinabi na rin ng coach sa player na BUMALIK NA LANG ITO SA TEAM 'PAG PATAY NA ANG COMATOSE NITONG MAHAL SA BUHAY. Nasa coach din kasi ang buhay at kamatayan ng isang team. May mga coach na nagbibigay ng advice in a sarcastic way, insulting. Hindi ba mas maganda na kung bibigyan nila ng encouragement ang isang player, iyong lubos na, iyong uplifting at hindi depressing?


Minsan pa, may mga assistant coach naman na feeling mas magaling pa sa coach, mahilig mag-power trip at mag-ego trip. Ang galing manermon sa isang player, like for example, sa point guard. Talak nang talak, sasabihin, ayusin mo kasi ang pagdadala ng bola, where in fact, siya mismo, hindi marunong mag-dribble ng bola, he can never be a player, pagco-coach lang ang kaya niyang gawin. Pero ang isang player, kapag nagsawa sa paglalaro, pwedeng maging coach. Meron pa, may mga members ng team, including the coach and assistant coach na magaling manghusga at pumuna sa pagkukulang at kapintasan ng iba, pero ang sarili nilang uling sa mukha, hindi nila makita.


Kawawa 'yung mga player na biktima ng "PULITIKA" sa loob ng isang koponan, minsan natatanggal na sila sa team. Well, ok lang, as long as naniniwala ang isang manlalaro sa sarili niyang kakayahan, may makikita pa siyang ibang koponan na nakahandang magtiwala at humubog pa sa kanyang abilidad. Kasi natututo naman tayo sa mga karanasan 'di ba? We also learn from our success and failure. Teamwork will never work kapag kanya-kanyang pa-pogi ang bawat player.

This is just basketball, pero maaaring maging repleksiyon ito ng iba pang larangan. Dahil ang buhay sa mundo ay parang isang laro, puno ng pakikipagsapalaran. Minsan panalo, minsan talo. But the most important is how we play the game. Alin ang mas maganda, natalo tayo pero naglaro nang patas, o nanalo nga pero dahil sa pandaraya?

BILOG ANG BOLA, BILOG ANG MUNDO!

Thursday, March 13, 2008

FOR YOUR EYES ONLY


Our eyes are the windows of our “temple”. With these organs we can see the glittering sunlight every morning, we can observe the silvery moon as it hides to the spooky clouds at night, we can linger our sight to the beautiful faces we see everyday, we can utter words of appreciation for all these wonderful things that the Almighty GOD created as we observe Gaia (Mother Earth) when we wake up everyday.

To top it all, one of the most important purpose of the human eye is to help us on our endeavor to earn a decent living.

Kailangan natin ang ating mga mata sa ating mga trabaho.

Kahit anong propesyon, mula sa pagiging presidente ng isang bansa hanggang sa pagiging mangangalakal (ng mga bote, bakal, plastic at diyaryo) ay importanteng bahagi ng katawan ang mga mata. Isipin mo na lang kung bulag ang kasalukuyang presidente natin, siguro’y mas naghihirap ang ating bansa at mas malala ang mga katiwaliang nangyayari sa gobyerno (sabagay, mahilig rin namang magbulag-bulagan ‘yung maliit na ale sa palasyo). Anong mangyayari kung bulag ang doktor na mag-oopera sa atin? Sasakay ka ba sa bus kung walang paningin ang nagmamaneho? Ma-a-appreciate mo ba ang galing sa pag-arte nina Ate Shawie, Ate Vi at Ate Guy kung hindi mo sila napapanood sa pelikula at telebisyon?

Kung wala tayong mga mata, baka lahat tayo’y naka-unipormeng nagmamasahe sa may Cubao at nanghaharana sa tabi ng kalye sa may Quezon Avenue nang may nakasahod na lata ng Alaska Condensada sa harapan.

Pardon me for talking too much here, isa lang naman ang purpose ko sa post na ‘to, gusto ko lang mag-share ng simpleng kaalaman kung paano mapapangalagaan ang ating mga mata.

Pagdamutan n’yo po ito:


Since we (writers) spend most of the time in front of our computers, we are prone to experience what we call, “computer eye strain”. This is a condition when our eyes become weary which affects our minds and bodies.

Worry no more. Here’re some tips on how we can prevent computer eye strain:

1.) Palm ‘em – Lean your elbows on your computer table. Cup your hands and place them lightly over your closed eyes. Hold for a minute, while breathing deeply in and out. Slowly uncover your eyes.

2.) Roll ‘em – Close your eyes and slowly roll your eyeballs clockwise all the way around. Repeat 3 times. Now, slowly roll them all the way around counterclockwise. Repeat 3 times.

3.) Look Away – Every half-hour, look away from the computer screen. Focus on an object at least 20 feet away. Look back at the screen, then look away and focus again. Repeat 3 times.

(Source: Philippine Health Guide 2000; Adapted from Health Guide Education Series. Exercise at Your Work Station. Krames Communications. 1993).

Let’s take care of our eyes. This will not only make us physically fit but will also help us provide excellent masterpieces for our readers.

**Special thanks to Ms. Michelle Ricca Dacanay for lending me this concept.

Wednesday, March 12, 2008

SILENT KILLERS




GALO ADOR JR. AND MY HEALTH CONDITION



Tama ang sinabi ni Manong JM sa komento niya sa post ko tungkol sa pagyao ng kapatid sa industriyang si Galo Ador Jr., bihira nga siguro sa mga manunulat ang nagkakaroon pa ng panahon na mag-exercise. Ako mismo’y parang isang couch potato sa kasalukuyan, hindi nga lang sa TV kundi sa computer ako nakatutok almost 70% ng maghapon at magdamag ko. Mas mabuti pa nga nu’ng medyo bata pa ako dahil nakakapaglaro pa ako ng basketball with my classmates nu’ng high school.
Dahil sa nangyari kay Galo Ador Jr., mas nagkaroon ako ngayon ng awareness sa sarili kong kalusugan. Nagbabalak akong mag-enroll sa gym, hindi para magpalaki ng katawan kundi para magsunog ng mga toxins at iba pang harmful substances & chemicals na nasa sistema ko. I will really find time for this. Naisip ko lang, hindi pa naman huli para gawin ko ito, I’m only 32 years old, 38 si Galo nang mamatay, I don’t think na gano’n ako kaaga mawawala sa mundong ito. (wag lang may babagsak na dambuhalang bulalakaw at tumbukin mismo ang tinitirhan ko habang gumagawa ako ng blog)
Una, hindi ako naninigarilyo. (Dito malakas si Galo, naobserbehan ko ito sa kanya nu’ng ginagawa namin ‘yung Darkpages)
Pangalawa, fish and vegetable diet kami ngayon ng family ko, banned muna ang baboy sa bahay. (Narinig ko kay Ronald Tabuzo, minsan daw na umorder sila ni Galo ng pagkain sa isang restawran, ni-request ng yumao na puro taba ang ibigay sa kanya. Masarap kumain si Galo, nu’ng ginagawa pa rin namin ‘yung Darkpages, hinahainan niya kami ng iba’t ibang putehe ng pork na siya mismo ang nagluto )
Pangatlo, hindi na ako alcoholic tulad ng dati, in moderation na ngayon kapag umiinom ako ng alak, I drink socially na lang ngayon. Umiinom pa rin akong mag-isa paminsan kapag nade-depress pero hindi na ako nakakaubos ng isang boteng gin sa isang upuan. (Sa alak, hindi ko alam ang capacity ni Galo, minsan ko lang siyang nakainuman sa bahay nila)
Pang-apat, kinalimutan ko na muna ang TV production. Ibig kong sabihin rito, kapag sa tv ka kasi nagsusulat / nagtratrabaho, stressful ka, isa ito sa mga silent killer—stress! Malinaw ko naman sigurong nabanggit sa mga recent posts ko sa blog na ‘to ang ilan sa experience ko bilang television writer. (Narinig ko pa rin kay Ronald Tabuzo na habang inaateke raw si Galo bago mamatay, tinawagan pa raw nito ang kasama niyang writer sa “Palos” at sinabing ito na ang bahala sa mga script, napaka-dedicated ng taong ito sa trabaho, I really admire him for that, between life and death script pa rin ang iniisip niya)
Sa panahong ito na walang tigil ang pagsulong ng teknolohiya, dumarami ang mga “demonyo” na tumutukso sa’tin para unti-unting patayin ang ating mga sarili; nariyan ang internet, video games, dvd movies, cellphone, mp3-mp4 iPods at iba pa. Nakakainis ang katotohanan na sa kabila ng convenience na naibibigay sa’tin ng mga nabanggit, tinuturuan tayo ng mga ito na maging TAMAD. Puwede ko bang isama ang blogging sa listahan?
Hindi tayo bumabata kundi nagde-deteriorate habang nadadagdagan ang idad natin, ako mismo sa gulang kong ito’y may mangilan-ngilan nang nararamdaman na sabi nga ng ibang nagpapayo sa’kin ay sakit na raw ng mga lolo. Sana magkaroon tayong lahat ng awareness sa katotohanang ang “templo ng DIYOS” na ipinahiram sa atin ay madaling mawawasak kung hindi natin pangangalagaan. Sana po pare-pareho nating ingatan ang ating sarili para mas matagal na panahon pa tayong magkasama-sama (virtually or in person).
Malaki ang impact sa’kin ng pagkawala ni Galo dahil bukod sa nakilala ko siya nang personal at nakasama sa trabaho, namulat ako nang husto sa pagiging vulnerable ng mga manunulat (pati mga dibuhista, take note) sa maagang kamatayan. Gano’n pa man, mas mabibigyang pansin ko na ngayon ang aking kalusugan at estilo ng pamumuhay dahil sa pangyayari.

Monday, March 10, 2008

PAALAM, GALO ADOR JR.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nabalitaan ko habang sinusulat ko ang post na ‘to. Kanina lang pasado alas dos nang hapon nakatanggap ako ng text message galing kay kumpareng Ron Mendoza. “Patay n c galo, pre”, ito ang laman ng mensahe. Naalimpungatan ako, kahihiga ko lang kasi para magpahinga konti mula sa pagsusulat ng horror story, sinisimulan pa lang akong higupin ng higaan. Akala ko nga nananaginip ako. Inatake sa puso si Galo, karaniwang nagiging karamdaman ng mga manunulat na katulad ko.

It’s a fuc%#$n reality pala. Takot ang una kong naramdaman…para sa sarili ko. Bata pa si Galo, wala pa yata siyang kuwarenta, I’m in my early 30’s, hindi nagkakalayo ang edad namin. Pareho kami ng uri ng trabaho bagama’t medyo magkaiba ng lifestyle. The point is…death is really inevitable. Walang sini-sino, walang sina-santo. Mayaman o mahirap, sikat o laos, may career o wala. Lahat mamamatay, nagkakaiba lang kung handa ba tayo o hindi ‘pag dumating ang araw na ito.

In a sudden flash of white light, nag-flashback lahat ng experience ko with Galo Ador Jr., halos kasabayan ko siya sa komiks nu’ng araw, nauna lang yata siya ng ilang taon, bigla na lang siyang nag-fade away sa comics industry nang pumalaot na siya sa mundo ng telebisyon. I don’t know him personally nu’ng una, binabasa ko lang ang mga gawa niya. I admire him as a comics writer dahil may sarili siyang estilo. Then, sa pamamagitan ni Ronald Tabuzo, nagkakilala kami dahil na rin sa binuo naming grupo para sa isang project—‘yung Darkpages na indie komiks namin kung saan siya ang editor in chief. Medyo marami rin kaming pinagsamahan sa grupong iyon at doon ko siya nakilala nang lubos. At this point, ayaw ko muna sigurong mag-reminisce dahil magkakahalong emosyon ang nararamdaman ko. Ayokong ma-depress. Siguro next post ko na lang idedetalye ang mga memories ko kay Galo.

Si Galo nga pala ay kasalukuyang headwriter ng tumatakbong seryeng PALOS sa ABS-CBN, recent project niya ‘yung LASTIKMAN, PEDRO PENDUKO at PANDAY, headwriter din siya sa mga nabanggit.

Pupunta kami bukas; March 12, 2008; sa burol ni Galo to give our last respect sa isang kaibigan at kapatid sa industriya. Makakasama ko ang mga backdoor boys (mga creator ng Darkpages) na sina Ron Mendoza, Ronald Tabuzo, Arman Francisco at Mars Alvir sa pakikiramay sa mga naulila ni Galo, wala na kaming ibang pagkakataon na gawin ito kundi bukas lang dahil ililipad na ang bangkay ng yumao pauwi sa lupang kanyang tinubuan sa Samar.

Paalam, Galo Ador Jr.

Monday, February 18, 2008

BUKAS NA LIHAM (Ikatlong Bahagi)

Ang premayadong
manunulat na si Ricky Lee


Manong JM at Auggie,


Ayaw ko na munang pag-usapan ang kasalukuyang kalakaran ng TV industry ngayon dito sa ating bansang sinilangan, umiinit lang ang ulo ko. Nasisira lang ang araw ko. Pinending ko na nga muna ‘yung “Kamagong” na tatrabahuhin sana namin. Nililibang ko muna ang sarili ko sa pagsusulat ng prosa sa mga horror books, kasi sa larangang ito, puwede akong gumanti sa mga taong kinasusuklaman ko sa mundo ng telebisyon kahit man lang sa imahinasyon lang. Hehehe. Puwede ko silang ipakatay sa mga halimaw at psycho killer sa mga kuwento ko kung saan ako ang “Diyos”.

Anyway, Manong Joe, nabanggit n’yo si Ricky Lee…pinsan n’yo pala siya. Kababayan ko kasi siya sa Daet, Camarines Norte. In fact, siya ang tumulong sa’kin na makapasok sa ABS-CBN. Hindi pa nagkakaroon ng chance na magka-trabaho kami. Una niya akong tinulungan nang mapanood niya na mag-perform sa entablado ang mga local talents na hawak ko sa probinsiya. Asero Production ang ipinangalan ko sa grupo ko. Umuwi siya that time sa probinsiya at inimbitahan ko siyang panoorin ang rehearsal namin ng play na “Florante at Laura” (na ako rin ang nagsulat at nagdirek), natuwa siya at nasabi niya na mas magagaling pa raw ang mga talents na nahubog ko kesa sa mga nag-a-audition sa talent center ng Channel 2. Bakit daw hindi ko dalhin ang mga ito sa Maynila? Sabi ko, imposibleng mangyari dahil wala kaming budget para rito. Mahirap kasi humawak ng theater group lalo na sa probinsiya tapos wala pang makuhang suporta mula sa local government. Magmula nang mapanood niya ang performance ng grupo ko, regular na siyang nagpapadala ng suporta sa amin buwan-buwan. Nahinto lang nu’ng makapasok na ako sa ABS-CBN.

Nabanggit n’yo ang tungkol sa mga DVD movies (or should we say Digital / Indie Films?), sinubukan rin namin ng grupo ko na gumawa ng ganito. Mula sa mga stage plays, nag-shift kami sa pag-produce ng indie tv series. Para kaming gumagapang sa sobrang hirap sa paggawa nito. Isang handycam at isang ilaw lang ang gamit namin, walang budget, walang talent fee, nagtitiyaga kami sa sardinas at “natong” (gulay na gabi / laing) bilang pagkain namin. Nang maipalabas sa mga local cable sa bikol ang na-produce namin, puring-puri kami, naglapitan ang mga pulitiko, kanya-kanyang attempts na gamitin ang grupo ko sa pulitika, binubuo kasi kami ng mahigit 300 miyembro (marami-raming botante nga naman, isama pa ang mga kamag-anak namin). Pero hindi ako nagpagamit sa kanila, minabuti kong maging independent. Ayokong mabahiran ng pulitika ang artistikong gawain naming lalo na’t puro mga kabataan ang mga talents / members ko.

Nakakalungkot kasi sa kakulangan ng budget, napagod na siguro akong itaguyod ito. Sabi nga, walang pera sa teatro, totoo ito. Mabuti sana kung wala akong pamilyang binubuhay nu’ng mga panahong iyon. Sa kasalukuyan, pansamantalang “frozen” ang Asero Production habang hinahanap ko ang suwerte rito sa bago kong mundo. Sinabi ko naman sa mga bata na babalikan ko sila at bubuhayin ang grupo kapag mayos na ang lahat, kapag kayang kaya na talaga naming tumayo sa sarili naming mga paa. Nakakapanghinayang nga kasi marami talagang mga talented na kabataan na naghihintay lang na madiskubre. Sa grupo ko lang, hindi sa pagmamayabang, marami ang puwedeng makipagsabayan sa main stream, ‘di hamak na mas marunong silang umarte kesa sa mga artista umano na basta-basta na lang isinasalang ng mga network, bukod kasi sa pilipit ang dila ng iba sa mga ito, hindi pa marunong ng tamang bitaw ng mga linya.

Hindi pa rin nawawala sa paniniwala ko na darating ang araw ay mapapanood ko sa wide screen ang sarili naming pelikula ng grupo ko. Kung kelan, hindi ko pa masabi.

HINAHANAP KO PA RIN ANG DESTINY KO HANGGANG NGAYON.


Jeffrey Marcelino Ong

Tuesday, January 29, 2008

BUKAS NA LIHAM (Ikalawang Bahagi)

Manong Joe,

Suwerte n’yo pala kasi maganda pa ang sistema sa telebisyon nu’ng kapanahunan n’yo. How I wish I was born earlier. Gano’n din kasi ang kapalaran ko sa komiks, sumibol ako sa generation kung saan matamlay na ang industriya, papalubog na at eventually natigok na. Marami pa sana akong gustong isulat sa komiks kaso paano pa mabibigyang buhay kung patay na ang medium na ‘to. Nakakalungkot nga kasi kung kailan ako nabigyan ng break na makapag-nobela, saka naman nagsara na ang mga publications. Bale, isang nobela lang ang nagawa ko originally, tapos may dalawang novel ni Almel De Guzman na ipinasalo sa’kin sa isa sa mga nagsara ring publication. Iniisip ko nga minsan, what if nu’ng kapanahunan nina Mars Ravelo sumibol ang batch namin? Siguro mas maraming original characters kaming nai-ambag na hanggang ngayon ay ini-imortalize sa mga television series at pelikula.

Sa kalakaran po ngayon sa TV industry, malabong mangyari na iyong original concept ng isang writer ang masunod, talagang maraming makikialam. Sa brainstorming pa lang, kakatayin na ang concept mo. Nariyan ang headwriter, associate producer, executive producer, production manager at unit head, may kanya-kanya silang hawak na patalim para pira-pirasuhin ang ediyang pinaghirapan ng isang pobreng manunulat.

Sa panahon ngayon, kung gusto mong manatili sa telebisyon, dapat para kang isang alagang aso na kapag sinabing “sit” uupo ka, ‘pag sinabing “lay down” hihiga ka, ‘pag sinabing “play dead” magpapatay-patayan ka…dedma! Pati pride mo kailangan mong dedmahin. Kasi kung hindi, mapapaaway ka lang.

Sa kaso ko, mas mahirap, kasi sa komiks ako nag-umpisa, tulad ng alam nating mga komikero, sa bahay lang nagsusulat ang mga komiks writer, tahimik sa sariling mundo niya, tapos ipapasa sa editor ang finished product. Kung malaki ang respeto sa’yo ng mga editors, mababasa mo sa komiks word for word ang sinulat mong script. Masarap sa pakiramdam. Bumuo rin ako ng independent film and theater production sa bikol kung saan ako rin ang nagsusulat at nagdidirek ng mga digital films at stage plays namin. Ginagawa ko kung ano ang gusto ko, sinusulat ko kung ano ang nararamdaman ko at gusto kong sabihin. May nasulat at nai-direk nga akong isang play na pinamagatang “CUATRO CANTOS” (‘pag may pagkakataon ipo-post ko rito ‘yung script nito), tungkol ito sa employment status natin dito sa Pilipinas, family oriented na tumatalakay rin sa moral values nating mga pinoy, simpleng patama sa gobyerno. Pero alam n’yo ba? Na-accredit pa kami ng DepEd at pinayagang i-tour ‘yung nabanggit na play sa mga schools sa bikol. Nagmumura ang mga karakter ko, nagpapakita ng libog, nagpapahayag ng damdamin at walang itinatago, pero nabigyan ako ng laya na maiparating ang mensaheng gusto kong ipahatid sa mga manonood.

Nang pumasok ako sa TV industry, parang nilagyan ng masking tape ang bibig ko, tinakpan ng bulak ang tenga ko, piniringan ang mga mata ko, sinimento ang puso ko!

Sabi nga ng isa sa mga big boss ko: “Kung hindi mo kayang makipagsabayan, baka hindi ito ang mundo mo. Hanapin mo na lang kung saan ka nararapat para hindi masayang ang oras namin sa’yo.”

HINDI KAYA ANG ORAS KO ANG NASASAYANG SA KANILA?


Jeffrey Marcelino Ong

Friday, January 25, 2008

BUKAS NA LIHAM




Dear Tiyo Delo (Manoy Joe Mari Lee),

Maraming salamat sa pag-ukol ng pansin sa blogsite ko, thank you rin sa advice, very much appreciated ko. Ang totoo niyan, sentiments ko rin ‘yung mga nabanggit n’yo. Mid 70’s pa pala kayo nagsusulat, ipinapanganak pa lang ako nu’n. Hehehe! I should listen to you.

Tama lahat ng sinabi n’yo tungkol sa kalakaran sa telebisyon ngayon. Dalawang taon na akong writer sa ABS-CBN, nag-umpisa ako bilang researcher sa isang horror-reality-drama program (NGINIIIG!), tapos binigyan ako ng break na makapagsulat sa documentary version nito. Nanibago nga ako dahil ibang-iba talaga ang sistema ng telebisyon sa komiks. Sa tulad kong maraming taon ring naging komiks writer, nakaka-shock ng system ang biglang pagbabago ng medium. Dati tahimik lang akong nakaupo sa harap ng makinilya ko, bumubuo ng kuwento sa sarili kong mundo, nang mapasok ako sa TV, marami nang nakikialam sa gusto kong gawin sa scripts ko bago ko pa ito tipain sa computer. Lahat sila madada, ‘yung iba akala mo may alam sa pagsusulat kung makapagsalita, nagkataon lang na mas mataas ang posisyon nila bilang production staff, pero kahit isang sequence siguro hindi makakabuo ‘pag pinagsulat. Karamihan sa kanila ego tripper, ginagawang instrumento ang posisyon para i-satisfy ang kanilang pride. Pero dahil likas akong pasensiyoso, hinayaan ko lang na tangayin ako ng agos ng dagat-dagatang apoy sa loob ng kumpanyang nagpapakain sa’kin (hindi ng masasarap na pagkain kundi ng mga sama ng loob, hinanakit at masasakit na salita). Sabi ko sa sarili ko, darating din ang tamang panahon para sa’kin.

Totoong mahirap ang buhay sa telebisyon ngayon, bukod sa mahigpit na kumpitensiya ng mga writer, kailangan mo ring kalimutan na tao ka; nagugutom, inaantok…nasasaktan. “Dog eats dog” sa industriyang ito, matira ang matibay. Kaya nga binawasan ko na ang tiwala ko sa mga nakakasalamuha ko sa mundong nabanggit dahil makapagsiwalat ka lang kahit konti ng pinakaiingatan mong ediya, magugulat ka na lang, ipapalabas na pala ito sa mga darating na araw sa ilalim ng kredito ng mga buwayang “tagatulak ng lapis”(tagatulak dahil utusan lang sila).

Mabuti pala nu’ng araw dahil binabayaran ang writer kapag ni-replay ang sinulat niyang episode, ngayon hindi na, malalaman mo na lang na ipinalabas pala uli ‘yung pinaghirapan mo pero ni ho ni ha wala kang narinig sa mga bossing mo. Ilang beses akong naging biktima ng ganitong sistema, nu’ng malapit nang mawala sa ere ‘yung show namin, panay ang replay ng mga episodes ko, ni singkong duling wala akong nakuhang incentive. Pero kung tutuusin, dahil sa pagre-replay na ‘yun, makailang ulit silang kumita sa mga advertisers. Paano naman ang mga writer?

Nalulungkot ako sa tuwing mare-realize ko na palaging underrated ang mga manunulat, hindi makuha ang nararapat na respeto. Iilan lang sa industriya natin ang mga manunulat na binibigyan ng malaking pangalan at pagkilala, hindi alam ng lahat na marami pang karapat-dapat na bigyang pugay dahil sa dedikasyon nito sa trabaho. Para sa’kin kasi, kapag isa kang “put@#%$%” manunulat, para kang isinumpa. Bahala na kayong magbigay ng kahulugan kung ano ang ibig kong sabihin. Sa mga kasama ko dati sa nabanggit kong TV program, ako ‘yung pinaka-tahimik at pamasid-masid lang, natatawa na lang ako sa ginagawa at ikinikilos ng mga kasama ko, para bang porke nasa isang malaking kumpanya sila ng telebisyon, ang galing-galing na nila. Nu’ng naging writer na ako sa TV, mas maangas pa sa’kin ‘yung mga P.A. at researchers, parang boss kung makaasta kapag wala ang mga superiors. Badtrip! Sabi ko na lang sa sarili ko: “Kaya kong gawin ang ginagawa nila, pero ‘yung ginagawa ko, hindi nila kaya. Kahit maglupasay pa sila at magpagulong-gulong, kung wala ang magic sa kanila bilang manunulat, kahit simpleng dialogue, hindi nila magagawa!”

Marami pa sana akong gustong sabihin pero parang nagiging shock absorber at sumbungan ko na itong blogsite ko, siguro sa ibang araw naman ako magbubulgar ng mga nakaririmarim na sistema sa mundong napasukan ko. Hindi naman sa kinakagat ko ang mga kamay na nagpakain sa’kin ng medyo matagal ring panahon, gusto ko lang bigyan ng awareness ang iba kung sakaling papasukin nila ang parisukat na mundo ng mga bituin.

Tungkol po sa pagkakaroon ng sariling konsepto para sa isang teleserye tulad ng mungkahi n’yo, ilang beses ko nang pinagtangkaang gawin iyon. Sa katunayan, kung hindi nagkaroon ng problema’y tumatakbo na ngayon iyong teleseryeng pinaghirapan naming buuin ng co-writer ko sa loob ng mahigit tatlong buwan kahit walang developmental fee. Nai-depensa ko na ito kina Madam Charo Santos mismo at sa iba pang bossing ng “kapamilya” network, pumasa na sa unang screening, pero pagdating sa finals, natigok, kung ano man ang dahilan, itanong n’yo kay “Palos”.

Gusto ko talagang makapagsulat ng serye sa telebisyon dahil siyempre, mas malaki ang income kung tuloy-tuloy ang mga projects, pangalawa, ‘yung satisfaction kapag nakita mong gumagalaw sa halip na naka-drawing lang ang mga characters mo (tulad ng nasabi n’yo na rin), kaso nabuburo na ako, mahirap i-satisfy ‘yung unit head namin na pinakamakapangyarihan sa grupo, siya ang nagsasabi kung dapat i-push ang isang project o hindi, siya ang nagdidikta kung ano ang DAPAT mangyari sa takbo ng kuwento. Kaya nga nasabi ko kanina na “tagatulak” na lang ng lapis ang karamihan sa mga manunulat sa TV, iyong mga “puppet masters” ang tunay na nagmamanipula sa mga kinababaliwang subaybayang programa ngayon sa TV. Kaya kahit maganda ang konspeto mo, kung hindi niya type, walang mangyayari, magsasayang ka lang ng oras.

Padi, kung piggagamit ka saro diyan a ibang barkada ta, gagamitun ko man sana siya ta nganing makalaog ako sa limelight, si sarong katao kasi diyan ay maray na dalan para mabistong mabilis ining kapwa mo uragon. Kung dae ako magibo ning ibang paagi, magagadan ako kahahalat ning marahay na break. After man ka project na sinasabi ko, sa hiling ko madali na sakuya na makapagpresenta nin sakuyang mga konsepto, kasi may naipahiling na ako. “Dog eats dog” po, manoy.

Siguro lang, natuto na rin akong kumampay at lumangoy sa dagat-dagatang apoy na tintukoy ko kanina.


Truly Yours,

JEFFREY MARCELINO ONG



Wednesday, January 23, 2008

KAMAGONG


Isa sa paborito kong pocket komiks nu’ng araw ‘yung Super Action Comics ng Atlas Publishing. Kabilang sa mga nobelang inilabas rito ang sinubaybayan ko at hindi binitiwan hanggang wakas, ito ‘yung nobela ni Carlo J. Caparas na “Kamagong”. As I can recall, si Rudy Villanueva yata ang illustrator nu’n.

Taong 1987, isinapelikula ito at ginampanan nina Lito Lapid bilang “Manuel”, JC Bonin bilang “Ariel” at Ruel Vernal bilang “Lorenzo”. Si Carlo J. din mismo ang nagdirek nito.

Nitong Disyembre ng nakalipas na taon (2007), nagkaroon kami ng ugnayan ni Direk Carlo tungkol sa pagsasalin ng nabanggit na nobela-pelikula sa telebisyon. Dahil sa pangungumbinse ko sa kanya na gawing teleserye ang “Kamagong”, ibinenta niya ang rights nito sa ABS-CBN kasabay ng iba pa niyang mga comics novel tulad ng “Pieta”, “Gabriel”, “Kroko”, “Rosenda”, “Valora”, “Kadena De Amor”, “Elias Paniki” at “Berdugo”.

Nabanggit ko sa unit head at production manager namin ‘yung tungkol sa project, excited sila na gawin ito, ang problema lang, kailangan kong maghanap ng kopya nu’ng pelikula para ma-review ng mga bossing ng unit namin. Kaso mahirap nang makahanap ng ganu’n, huli kong napanood ‘yung “Kamagong” sa Cinema One pero nang magtanong ako, wala raw silang kopya. Good thing, nabanggit ko kay Mars Alvir ang problema ko, nagulat na lang ako nang magtext siya at sinabing nakabili raw siya ng kopya nu’ng movie sa Tarlac, pina-LBC niya sa’kin kaya nagawan ko agad ng story outline.

Hindi pa pala doon natatapos ang problema ko. I found out na manipis pala ‘yung movie version, kulang sa mga detalye, mas maganda kung mababasa ko ‘yung nobela mismo sa komiks, sa kasamaang palad, wala na palang compiled copy si Direk Carlo.

Kaya nananawagan po ako sa inyo mga kapwa ko komikero, baka may naitatabi kayong kopya ng “Kamagong” (comics version), napakalaking bagay po kung maipapahiram n’yo sa’kin para mapabilis ang pagsasakatuparan ng proyektong nabanggit.

We have plans na i-modernize ‘yung konsepto, naniniwala ako na magandang project ito kung matutuloy, plano kong isama rito ang mga ka-tropa kong sina Ron Mendoza at Ronald Tabuzo at Mars Alvir para komiks na komiks talaga, mas maganda nga ma-invade ng mga komikero ang telebisyon, e. Hehehe!

Hope to hear from you soon, guys!

Friday, January 18, 2008

DARKPAGES


Isa sa mga pahina ng isinulat kong kuwento sa
DARKPAGES na pinamagatang "The 13th Stone",
illustrated by RONRON AMATOS


Ibitin muna natin kung ano ang naging next journey ko sa pagsusulat sa komiks noong nag-uumpisa pa lang ako.

Sugue muna tayo…

Lumaktaw tayo ng maraming taon…

Iilan lang siguro ang nakakaalam na bago pa man mapag-usapan ang pagbuhay sa komiks nitong mga huling panahong ito, may mga nagtangka na itong sagipin bago pa man ito tuluyang mamatay.

Taong 2002…

Matapos ang mahigit sampung taon kong pagsusulat sa komiks, nakatakdang magkaroon ng malaking pagbabago sa sistema ng pagkatao ko. Unti-unti na kasing nalulugmok ang komiks industry nang mga panahong iyon, patapos na ang maliligayang araw sa GASI at sa iba pang sister companies nito sa #70-18th Avenue, Murphy, Quezon City, ang lugar na itinuring kong pangalawang tahanan sa loob ng isang dekada. Ang isa sa mga institusyon sa larangan ng komiks ng mga pinoy.

Sa komiks ako natutong magbasa, natutong tumayo sa sariling mga paa, maging responsible, magkaroon ng tiwala sa sarili, natutong umibig, lumaban, mag-ambisyon, mangarap, mag-ilusyon, malaman nang lubos ang kaibahan ng pantasya at reyalidad. Nagkaroon din ako ng maraming kaibigan sa komiks, mga kaaway, tagahanga…kabahagi sa buhay. Sa komiks, naranasan kong magalit nang sagad hanggang langit, umiyak nang nag-iisa, tumawang abot hanggang tenga, matakot na parang huling araw ko na sa mundo, maging mayabang kung kinakailangan, maglasing na parang mauubusan ng alak, kalimutan ang sarili, isiping walang Diyos, maawa sa mundo at lipunan, bumangon matapos ang matinding pagkatalo sa labanan.

Sa madaling salita, ginawa akong TAO ng komiks. Dahil nag-umpisa ako rito sa murang gulang, ito ang naging gabay ko sa aking pagkakaroon ng kamalayan sa “libog” ng buhay sa mundo.

Kaya naman sobrang sakit na makitang unti-unting namamatay ang industriya na itinuring mong pangalawang “magulang”.

Ako ‘yung taong kapag ginusto ko, hindi puwedeng hindi mangyari, mahirap man, kahit pa sabihing suntok sa buwan, kung may nakikita ako kahit na katiting na pag-asang matutupad, hindi ko ito uurungang hangga’t hindi naisasakatuparan.

Sabi nga ng mga kaklase ko, organizer daw ako sa lahat ng bagay. Mahilig kasi akong magpasimuno ng kung ano-ano. Nu’ng college kami, hindi nabubuo ang solid barkada namin tuwing sembreak kung hindi ako ang gagawa ng paraan na magkaroon ng reunion. Nu’ng hayskul, nagtatag ako ng basketball league sa aming (believe it or not) section lang. Playing commissioner ang drama ko!

Nang maging writer ako sa komiks, sinubaybayan ko kung sino ang para sa aki’y masasabing mga magagaling na manunulat sa batch na kinabilangan ko. Iyong tipong hindi nalalayo sa estilo at panlasa ko sa pagsusulat. Hinangaan ko si Ron Mendoza at hinangad na makilala, nabasa ko rin ang mga pangalang Ronald Tabuzo, Lito Tanseco, Arman Francisco at Mars Alvir. Sabi ko sa sarili ko, “They have something in common”, para paiksiin ang kuwento, hindi ako nahirapan na makilala silang lahat dahil nang gumawa ako ng paraan para maging kaibigan si Ron Mendoza, solve na ako agad, dahil ang mga nabanggit na writer, isang tropa lang pala. Hindi na ako loner sa GASI nang makilala ko sila dahil I now belong to the group na gusto ko.

Hindi naman po sa nagde-descriminate ako, marami ring iba pang magagaling na writer noong panahong iyon, ibig ko lang sabihin, hindi kami nagkakalayo ng mga interes at “kabaliwan” ng mga nabanggit kong writer.

Minsan kinukurot ang puso ko kapag naaalala ko ‘yung mga masasayang samahan namin; tambay sa lobby ng publication at walang katapusang “tsismisan” tungkol sa mga sinulat namin, sa mga editor, at iba pang contributors; inuman sa 5th Avenue ba ‘yun? O kaya nightlife hanggang madaling araw (special mention diyan si Ronron Amatos), not to mention those “HAPPY” hours sa E. Rodriguez Avenue. Hehehe!

Kaya nga nang dumating ang mga panahong pahirapan nang makasingil sa mga publication, paisa-isa na lang ang voucher at binabayaran na kami ng mga talbog na tseke, nag-iisip na ako kung anong magagawa ng isang tuldok lang na tulad ko sa dambuhalang industriyang tinamaan na ng bato mula sa tirador ni David.

Mayroon akong close friend at high school classmate na may imprentahan. Doon ko naisip na, “What if mag-publish kami ng sariling komiks?” Iyong hindi produkto ng nakamamatay na bulok na sistema, iyong puwede mong sabihing, “ITO ANG KOMIKS!” Taas-noo at hindi mo ikahihiyang basahin kahit nasa loob ka ng isang pampasaherong jeep o bus sa Edsa.

Sabi ko sa sarili ko, hindi ko yata iyon magagawa nang mag-isa. Una, wala akong pera; pangalawa, hindi ako paniniwalaan ng kaibigan kong may imprentahan sa iniisip ko. Sa umpisa, nagdalawang-isip ako na ibahagi sa iba ang “ilusyon” ko, pero nang maramdaman ko na nalulungkot rin si Ron (Mendoza) sa napipintong pagkamatay ng komiks, sinabi ko na sa kanya ang plano ko, nagpakita naman siya ng interes kaya nabanggit na rin namin iyon kay Ronald (Tabuzo). Close friend ni Ronald ang kilalang senior komiks writer noong araw na si Galo Ador Jr., ito ang may pera nu’ng mga panahong iyon (hanggang ngayon, dahil writer na siya sa ABS-CBN) kaya sa mungkahi ni Ronald, inilako naming tatlo kay Galo ang plano na binili naman nito dahil mahal rin nito ang komiks, siyempre malaki ang utang na loob nito sa industriyang nabanggit. Nagpakita ng interes sa plano si Galo at nagsabi pa nga na kahit sagutin na niya ang kalahati sa expenses ng proyekto.

Naisip namin ni Ron na isama na ang buong tropa sa project, ipinaalam namin kina Mars Alvir (na nasa Tarlac pa) at Lito Tanseco (na madalas ay sceptic) ang plano. Siyempre mawawala ba naman si Arman Francisco na isa pang “adik” sa komiks?

So, ganu’n nga, nagkaisa ang grupo na kailangang mag-materialize ang nasabing proyekto sa ano mang paraan, kung kinakailangan ng sakripisyo, gagawin namin. Bawat isa sa amin, malaki ang paniniwala sa project, umaasa na dahil sa ginawa naming pagkilos na ito ay maisasalba ang naghihingalong komiks ni Juan Dela Cruz.

Obvious na hindi kami nagtagumpay sa aming hangarin, pero ano kaya ang mga pinagdaanan ng aming grupo para maitaguyod ang iisa naming layunin?

ITUTULOY