Wednesday, March 12, 2008

GALO ADOR JR. AND MY HEALTH CONDITION



Tama ang sinabi ni Manong JM sa komento niya sa post ko tungkol sa pagyao ng kapatid sa industriyang si Galo Ador Jr., bihira nga siguro sa mga manunulat ang nagkakaroon pa ng panahon na mag-exercise. Ako mismo’y parang isang couch potato sa kasalukuyan, hindi nga lang sa TV kundi sa computer ako nakatutok almost 70% ng maghapon at magdamag ko. Mas mabuti pa nga nu’ng medyo bata pa ako dahil nakakapaglaro pa ako ng basketball with my classmates nu’ng high school.
Dahil sa nangyari kay Galo Ador Jr., mas nagkaroon ako ngayon ng awareness sa sarili kong kalusugan. Nagbabalak akong mag-enroll sa gym, hindi para magpalaki ng katawan kundi para magsunog ng mga toxins at iba pang harmful substances & chemicals na nasa sistema ko. I will really find time for this. Naisip ko lang, hindi pa naman huli para gawin ko ito, I’m only 32 years old, 38 si Galo nang mamatay, I don’t think na gano’n ako kaaga mawawala sa mundong ito. (wag lang may babagsak na dambuhalang bulalakaw at tumbukin mismo ang tinitirhan ko habang gumagawa ako ng blog)
Una, hindi ako naninigarilyo. (Dito malakas si Galo, naobserbehan ko ito sa kanya nu’ng ginagawa namin ‘yung Darkpages)
Pangalawa, fish and vegetable diet kami ngayon ng family ko, banned muna ang baboy sa bahay. (Narinig ko kay Ronald Tabuzo, minsan daw na umorder sila ni Galo ng pagkain sa isang restawran, ni-request ng yumao na puro taba ang ibigay sa kanya. Masarap kumain si Galo, nu’ng ginagawa pa rin namin ‘yung Darkpages, hinahainan niya kami ng iba’t ibang putehe ng pork na siya mismo ang nagluto )
Pangatlo, hindi na ako alcoholic tulad ng dati, in moderation na ngayon kapag umiinom ako ng alak, I drink socially na lang ngayon. Umiinom pa rin akong mag-isa paminsan kapag nade-depress pero hindi na ako nakakaubos ng isang boteng gin sa isang upuan. (Sa alak, hindi ko alam ang capacity ni Galo, minsan ko lang siyang nakainuman sa bahay nila)
Pang-apat, kinalimutan ko na muna ang TV production. Ibig kong sabihin rito, kapag sa tv ka kasi nagsusulat / nagtratrabaho, stressful ka, isa ito sa mga silent killer—stress! Malinaw ko naman sigurong nabanggit sa mga recent posts ko sa blog na ‘to ang ilan sa experience ko bilang television writer. (Narinig ko pa rin kay Ronald Tabuzo na habang inaateke raw si Galo bago mamatay, tinawagan pa raw nito ang kasama niyang writer sa “Palos” at sinabing ito na ang bahala sa mga script, napaka-dedicated ng taong ito sa trabaho, I really admire him for that, between life and death script pa rin ang iniisip niya)
Sa panahong ito na walang tigil ang pagsulong ng teknolohiya, dumarami ang mga “demonyo” na tumutukso sa’tin para unti-unting patayin ang ating mga sarili; nariyan ang internet, video games, dvd movies, cellphone, mp3-mp4 iPods at iba pa. Nakakainis ang katotohanan na sa kabila ng convenience na naibibigay sa’tin ng mga nabanggit, tinuturuan tayo ng mga ito na maging TAMAD. Puwede ko bang isama ang blogging sa listahan?
Hindi tayo bumabata kundi nagde-deteriorate habang nadadagdagan ang idad natin, ako mismo sa gulang kong ito’y may mangilan-ngilan nang nararamdaman na sabi nga ng ibang nagpapayo sa’kin ay sakit na raw ng mga lolo. Sana magkaroon tayong lahat ng awareness sa katotohanang ang “templo ng DIYOS” na ipinahiram sa atin ay madaling mawawasak kung hindi natin pangangalagaan. Sana po pare-pareho nating ingatan ang ating sarili para mas matagal na panahon pa tayong magkasama-sama (virtually or in person).
Malaki ang impact sa’kin ng pagkawala ni Galo dahil bukod sa nakilala ko siya nang personal at nakasama sa trabaho, namulat ako nang husto sa pagiging vulnerable ng mga manunulat (pati mga dibuhista, take note) sa maagang kamatayan. Gano’n pa man, mas mabibigyang pansin ko na ngayon ang aking kalusugan at estilo ng pamumuhay dahil sa pangyayari.

5 comments:

TheCoolCanadian said...

Jeff:

Hindi lang sa generation mo nangyari ito. Sa mga nauna sa iyo ay halos nagbagsakang parang mga langaw ang mga illustrators at manunulat.

Mabuti at naiplano mo na ang para sa ikabubuti ng iyong kalusugan. After all, kung mawala ang kalusugan ng isang tao, ano pa ang magagawa niya? Wala na. Kaya dapat talagang iwasan ang makasasamang pagkain na tulad ng mga CRISPY PATA at kung anu-ano pang matatabang pagkain. Dapat ring magpa-check ng cholesterol level. Ito ang isang pinakamalaking aspeto ng mga strokes at heart attacks. Akala ng iba ay madi-deprive sila ng masarap na pagkain kapag hindi na sila kumain ng taba. Ito'y isang malaking kabaglitaran. Maski Vegetarian diet pa ang kainin mo, hindi totoong wala itong lasa. Kailangang subukan muna at magugulat kayo kung ano ba talaga ang vegetarian diet. Sa Bicol, madalas na gulay at isda ang kinakain ng mga tao. Okay sana ito. Pero hindi mapigilan ng mga bikolano ang huwag gumamit ng GATA NG NIYOG. Ito'y saturated fat at very detrimental sa ating health. Huwag masyadong magpakalulong sa gata ng niyog. Kung Miraya ka, magpakasawa ka sa sili till kingdome come, pero huwag mo nang i-aggravate ito by adding coconut milk.

Hindi lang sa pagkain ang problema sa ganitong kondisyon. Nariyan din ang genes na namana natin sa ating mga magulang. Pero kung mag-iingat tayo sa pagkain at mag-ehersisyo, at least ang matitira na lamang problema ay yung mga namana nating predisposing condition sa ating mga magulang.

Pero, bakit tayo halimbawa mag-i-snack ng CHICHARON? TUKNENENG? At kung anu-ano pang nabasa ko lang sa internet dahil mga wala pa ito noong nariyan ako sa Plipinas. Bakit yung hard boiled egg ay santambak na sa cholesterol ay ilulublob pa sa santambak na MANTIKA at i-deep-fry pa ito? Bakit ang taba at balat ng baboy na punung-puno ng bad cholesterol ay hahayan nating pumasok ito sa ating katawan at nang barahin nito ang ating mga ugat?

Awareness is the door to a healthy life. Salamat sa iyong isinulat na ito, Jeff. Many will surely think twice about what they eat from now on. Noon kasing kapanahunan nina Redondo, walang awareness ang mga tagakomiks na sila'y nakasalang sa upuan day in and day out. Maiba na sana ang henerasyon ninyo ngayon, para lalong dumami pa ang mga dibuhista at manunulat na umabot sa edad ni Ginoong Jess Jodloman.

KOMIXPAGE said...

Tama ka Jeff. Now is the time para pag-isipan natin ang ating kalusugan.Pabata ng pabata ang inaatake sa puso. Sa ating grupo ako ang pinaka-senior and I make sure to myself na may panahon ako sa ehersisyo. With JML's healthty tips sa kanyang mga comment, lalong dadami ang ating matutuhan about health awareness. Thanks JM.

JEFFREY MARCELINO ONG said...

Mahirap talagang iwasan ang gata lalo na sa tulad kong isa ring bikolano, tuwing umuuwi ako ng bikol, ang una kong hinahanap ay mga pagkaing ginataan. Lalo na 'yung laing na taba ng baboy ang lahok. Pero dahil sa nangyari kay Galo, i should think twice bago magpasasa sa ganitong putahe. Anyway, marami namang alternatives kung tutuusin. Dati hindi ako masyadong kumakain ng gulay, pero nang magdanas ako ng hirap nu'ng ilang buwan rin akong tambay, nasanay na rin ako. Ngayon, kahit may pambili ako ng karne, priority ko ang gulay at isda.

Arman, nu'ng nag-reunion tayo couple of days ago, naobserbahan ko na ako ang pinakabata sa grupo, naisip ko kung anong advantage meron ako dahil habang maaga'y makakagawa ako ng way na ma-detoxify ang katawan ko, isa ito sa dahilan kung bakit umuwi ako nang maaga. Hindi na kasi ako masyadong nagbe-beer ngayon. Sa tingin ko naman sa'yo, very physicaly fit ka pa sa kabila ng pagiging senior mo sa'min, hindi pa nababago ang built mo mula nang magkakilala tayo. Plus factor pa 'yung hindi ka naman talaga umiinom. Bilib ako sa kontrol mo, biruin mo, nakaisang bote ng beer ka lang sa buong "session" habang kami'y nakaka-tig-tatatlo na.

Mangong JM, i admire you for sharing your knowledge. Salamat po sa concern.

Basta, sana mula ngayon mas ma-monitor natin ang health natin para abutan pa nating lahat ang Armaggeddon! Hehehe! Biro lang.

monsanto said...

Tama ka, kailangan nga umpisahan na ang pagiingat, kundi magiging dying breed ang marami sa katulad nating nakatutok sa computer at nakaupo maghapon.

Sayang ang talent niya, marami pa sana siyang nagawa ano?

JEFFREY MARCELINO ONG said...

Gilbert Monsanto?

Salamat sa pagbisita sa Blog ko, pare. It's an honor. Kumusta na? Halos magkasabay lang tayong nag-umpisa dati sa GASI, ang layo na ng narating mo. We don't know each other personaly pero nababasa natin ang mga gawa ng bawat isa noon sa mga komiks.

Good luck.