Monday, March 10, 2008

PAALAM, GALO ADOR JR.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nabalitaan ko habang sinusulat ko ang post na ‘to. Kanina lang pasado alas dos nang hapon nakatanggap ako ng text message galing kay kumpareng Ron Mendoza. “Patay n c galo, pre”, ito ang laman ng mensahe. Naalimpungatan ako, kahihiga ko lang kasi para magpahinga konti mula sa pagsusulat ng horror story, sinisimulan pa lang akong higupin ng higaan. Akala ko nga nananaginip ako. Inatake sa puso si Galo, karaniwang nagiging karamdaman ng mga manunulat na katulad ko.

It’s a fuc%#$n reality pala. Takot ang una kong naramdaman…para sa sarili ko. Bata pa si Galo, wala pa yata siyang kuwarenta, I’m in my early 30’s, hindi nagkakalayo ang edad namin. Pareho kami ng uri ng trabaho bagama’t medyo magkaiba ng lifestyle. The point is…death is really inevitable. Walang sini-sino, walang sina-santo. Mayaman o mahirap, sikat o laos, may career o wala. Lahat mamamatay, nagkakaiba lang kung handa ba tayo o hindi ‘pag dumating ang araw na ito.

In a sudden flash of white light, nag-flashback lahat ng experience ko with Galo Ador Jr., halos kasabayan ko siya sa komiks nu’ng araw, nauna lang yata siya ng ilang taon, bigla na lang siyang nag-fade away sa comics industry nang pumalaot na siya sa mundo ng telebisyon. I don’t know him personally nu’ng una, binabasa ko lang ang mga gawa niya. I admire him as a comics writer dahil may sarili siyang estilo. Then, sa pamamagitan ni Ronald Tabuzo, nagkakilala kami dahil na rin sa binuo naming grupo para sa isang project—‘yung Darkpages na indie komiks namin kung saan siya ang editor in chief. Medyo marami rin kaming pinagsamahan sa grupong iyon at doon ko siya nakilala nang lubos. At this point, ayaw ko muna sigurong mag-reminisce dahil magkakahalong emosyon ang nararamdaman ko. Ayokong ma-depress. Siguro next post ko na lang idedetalye ang mga memories ko kay Galo.

Si Galo nga pala ay kasalukuyang headwriter ng tumatakbong seryeng PALOS sa ABS-CBN, recent project niya ‘yung LASTIKMAN, PEDRO PENDUKO at PANDAY, headwriter din siya sa mga nabanggit.

Pupunta kami bukas; March 12, 2008; sa burol ni Galo to give our last respect sa isang kaibigan at kapatid sa industriya. Makakasama ko ang mga backdoor boys (mga creator ng Darkpages) na sina Ron Mendoza, Ronald Tabuzo, Arman Francisco at Mars Alvir sa pakikiramay sa mga naulila ni Galo, wala na kaming ibang pagkakataon na gawin ito kundi bukas lang dahil ililipad na ang bangkay ng yumao pauwi sa lupang kanyang tinubuan sa Samar.

Paalam, Galo Ador Jr.

1 comment:

TheCoolCanadian said...

Jeff:

Alam ko kung ganno ka nabigla sa pagyao ng iyong kaibigan at kasamahan sa panulat.

Noong kapanahunan ko, halos karamihan sa mga mas may ea=dad na sa aking artists and writers ay binawian din ng buhay sa ganitong paraan.

Paano nga'y masyado tayong naging busy sa ating trabaho na kung saan ay nakatali tayto sa ating desk. Laging nakaupo. At hindi nagkaroon ng time o gumawa ng time na mag-exercise maski isang oras lang bawa't araw.

Kaya nga madalas kong sabihin sa mga kapuwa artist o manunulat, na kailangan nilang mag-laan ng panahon sa ehersisyo.

Bawasan din ang pagkain ng FAT, sa ano mang paraan. Bawasan ang WHITE RICE dahil puro ito starch. Sa halip na prituhin ang isda, IHAWIN ito. Kumain ng maraming gulay at prutas at bawasan ang kanin. Kung kakain ng kanin, BROWN RICE ang kainin , huwag puti. Kung kakain ng tinapay, HUWAG white bread. WHOLE WHEAT ang dapat kainin.

Siguro'y napakataas ng cholesterol sa dugo ni Galo Ador. Kung maaga man lamang sanang natuklasan ito ng docotr, nabigyan sana siya ng solusyon sa kanyang problema at nailigtas ang kanyang buhay. Napakabata pa niya. Talented. Marami pa ana siyang nagawa at na-i-share sa ikatutuwa ng kanyang kapuwa tao.

Pulutin natin ang aral ng mga nauna sa atin. At pulutin natin ang mga naiwan nilang alaala upang baguhin natin ang ating buhay at pahalagahan natin ang ating HIRAM NA SANDALI dito sa daigdig.

Nakikiramay ako sa kanyang mga naiwan.