Wednesday, March 26, 2008

BITUKA



Nitong mga nakaraang araw, napabalita ang tungkol sa mga nawawalang bata. Diumano'y kinukuha raw ang mga ito ng isang sindikato na nakasakay sa isang van na kulay puti. 16 yrs. old pababa raw ang mga nagiging biktima.

Anong ginagawa nila sa bata? Kinukuha raw ang mga internal organs. Nagkalat ang balita tungkol sa maraming bangkay ng mga bata na natatagpuan, butas ang tiyan ng mga ito at nawawala ang ilang parte ng lamang loob. May nakukuha pa raw na pera sa loob mismo ng mga bangkay, nagkakahalaga ng P5,000 hanggang P30,000 ang iniiwan ng mga salarin at nakabalot ito sa plastic, tila ba kabayaran nila sa buhay ng batang biktima. Ito lang ba ang halagang katumbas ng buhay ng tao?

Noong una kong nabalitan ang tungkol rito, hindi ako naniniwala. Pero nang magkuwento ang mismong kapatid ko na nakipaglamay sila sa isang batang biktima ng "lamanloob gang", napaisip ako. Nang minsang namalengke kami ng partner ko, naulinigan namin ang bulung-bulungan ng mga tindera tungkol sa mga batang naging biktima ng sindikato. May mga artikulo rin akong nakita na magpapatunay na totoo ang mga pangyayaring ito.

Anong ginagawa sa mga internal organs? May mga teyoriya na pinag-aaralan daw ito ng mga doktor, meron ding nagsasabi na kulto raw ang nasa likod nito, may mga naniniwala pa rin na grupo ng mga modernobng aswang ang dumudukot sa bituka ng mga bata at kinakain ito.

Ang nakakapagtaka, mariin itong itinatanggi ng pulisya kahit na maraming nagpapatunay sa kaganapang ito. Maging sa telebisyon ay tila yata wala akong halos nababalitaan, para bang mauy news block out tungkol rito.

May sarili akong iniisip na dahilan. Hindi kaya ang gobyerno at kasalukuyan mismong administrasyon ang may pakana nito? Unang-una, mukhang may malaking budget sila para rito. Pangalawa, 'yung news block out kuno, hindi nagbibigay ng definite statement ang media tungkol dito para hayaan ang mga mamamayan na mag-isip at paniwalaan ang mga takot na naglalaro sa imahinasyon ng mga ito. Pangatlo, dahil dito, mada-divert ang atensiyon ng mga tao. Sa halip na matutukan ang mga kinasasangkutang katiwalian ng pamahalaan, mas pagtutuunan ng pansin at pag-uusapan ng mga mamamayan ang "laman loob gang".

Kung totoo ang haka-haka kong ito, anong klaseng uri ng mga tao ang nakaupo sa puwesto? Hindi man nila kinakain nang literal ang mga internal organs, para na rin silang mga aswang na halang ang bituka na naghahasik ng lagim sa nagdarahop na bansa!



Please visit mg old blogsite.

2 comments:

Unknown said...
This comment has been removed by the author.
Unknown said...

Bakit parang hindi nababahala ang gobyerno natin sa mga balitang ito. Puro tungkol na lang sa ibang bagay ang punagtatalunan lagi sa senado. Wala naman sigurong masama kung iimbestigahan nila ang mga nababalitang ganito. Nakakabahala na ito. Wala na ba talagang "SAFE" na lugar? Ganyan na ba kasama ang mga tao? Sana maawa kayo sa mga batang musmos, sa mga batang walang kalaban-laban, sa mga batang malayo pa ang mararating.