Monday, February 18, 2008

BUKAS NA LIHAM (Ikatlong Bahagi)

Ang premayadong
manunulat na si Ricky Lee


Manong JM at Auggie,


Ayaw ko na munang pag-usapan ang kasalukuyang kalakaran ng TV industry ngayon dito sa ating bansang sinilangan, umiinit lang ang ulo ko. Nasisira lang ang araw ko. Pinending ko na nga muna ‘yung “Kamagong” na tatrabahuhin sana namin. Nililibang ko muna ang sarili ko sa pagsusulat ng prosa sa mga horror books, kasi sa larangang ito, puwede akong gumanti sa mga taong kinasusuklaman ko sa mundo ng telebisyon kahit man lang sa imahinasyon lang. Hehehe. Puwede ko silang ipakatay sa mga halimaw at psycho killer sa mga kuwento ko kung saan ako ang “Diyos”.

Anyway, Manong Joe, nabanggit n’yo si Ricky Lee…pinsan n’yo pala siya. Kababayan ko kasi siya sa Daet, Camarines Norte. In fact, siya ang tumulong sa’kin na makapasok sa ABS-CBN. Hindi pa nagkakaroon ng chance na magka-trabaho kami. Una niya akong tinulungan nang mapanood niya na mag-perform sa entablado ang mga local talents na hawak ko sa probinsiya. Asero Production ang ipinangalan ko sa grupo ko. Umuwi siya that time sa probinsiya at inimbitahan ko siyang panoorin ang rehearsal namin ng play na “Florante at Laura” (na ako rin ang nagsulat at nagdirek), natuwa siya at nasabi niya na mas magagaling pa raw ang mga talents na nahubog ko kesa sa mga nag-a-audition sa talent center ng Channel 2. Bakit daw hindi ko dalhin ang mga ito sa Maynila? Sabi ko, imposibleng mangyari dahil wala kaming budget para rito. Mahirap kasi humawak ng theater group lalo na sa probinsiya tapos wala pang makuhang suporta mula sa local government. Magmula nang mapanood niya ang performance ng grupo ko, regular na siyang nagpapadala ng suporta sa amin buwan-buwan. Nahinto lang nu’ng makapasok na ako sa ABS-CBN.

Nabanggit n’yo ang tungkol sa mga DVD movies (or should we say Digital / Indie Films?), sinubukan rin namin ng grupo ko na gumawa ng ganito. Mula sa mga stage plays, nag-shift kami sa pag-produce ng indie tv series. Para kaming gumagapang sa sobrang hirap sa paggawa nito. Isang handycam at isang ilaw lang ang gamit namin, walang budget, walang talent fee, nagtitiyaga kami sa sardinas at “natong” (gulay na gabi / laing) bilang pagkain namin. Nang maipalabas sa mga local cable sa bikol ang na-produce namin, puring-puri kami, naglapitan ang mga pulitiko, kanya-kanyang attempts na gamitin ang grupo ko sa pulitika, binubuo kasi kami ng mahigit 300 miyembro (marami-raming botante nga naman, isama pa ang mga kamag-anak namin). Pero hindi ako nagpagamit sa kanila, minabuti kong maging independent. Ayokong mabahiran ng pulitika ang artistikong gawain naming lalo na’t puro mga kabataan ang mga talents / members ko.

Nakakalungkot kasi sa kakulangan ng budget, napagod na siguro akong itaguyod ito. Sabi nga, walang pera sa teatro, totoo ito. Mabuti sana kung wala akong pamilyang binubuhay nu’ng mga panahong iyon. Sa kasalukuyan, pansamantalang “frozen” ang Asero Production habang hinahanap ko ang suwerte rito sa bago kong mundo. Sinabi ko naman sa mga bata na babalikan ko sila at bubuhayin ang grupo kapag mayos na ang lahat, kapag kayang kaya na talaga naming tumayo sa sarili naming mga paa. Nakakapanghinayang nga kasi marami talagang mga talented na kabataan na naghihintay lang na madiskubre. Sa grupo ko lang, hindi sa pagmamayabang, marami ang puwedeng makipagsabayan sa main stream, ‘di hamak na mas marunong silang umarte kesa sa mga artista umano na basta-basta na lang isinasalang ng mga network, bukod kasi sa pilipit ang dila ng iba sa mga ito, hindi pa marunong ng tamang bitaw ng mga linya.

Hindi pa rin nawawala sa paniniwala ko na darating ang araw ay mapapanood ko sa wide screen ang sarili naming pelikula ng grupo ko. Kung kelan, hindi ko pa masabi.

HINAHANAP KO PA RIN ANG DESTINY KO HANGGANG NGAYON.


Jeffrey Marcelino Ong

2 comments:

Unknown said...

Noy,

Ang destiny mo talaga eh sa pagsusulat, print media, TV-Radio broadcast scripting, screenplays, theater, comic books etc. Kaya dapat persistence, hard work , kayod at e-shut-off mo ang bad vibes diyan sa environment ng network na pinapasukan mo. Darating din ang araw mo. Kaya, KEEP ON TRUCKING....


Auggie

TheCoolCanadian said...

Very sound advice from Auggie.

And you're right, Jeffrey. Ang mga artista sa theater ay di hamak na magagaling talaga dahil hasang-hasa ang mga ito. Isa lang ang caveat sa mga artistang ito. Kung sa teatro ay pataasan ng boses (known as Topping – where actors in a scene will build the voice level – Kung actor 1 ay nasa number two ang voice, actor 2 should raise his voice to 3 and actor 4 to 5. Kumbaga, pataasan ng boses, hindi ng ihi :) )

Pagdatin sa TV at Pelikula, these actors should be aware to modulate their voices, because the mike will pick-up even the slightest whispers. Naalala ko noon si Angie Ferro. Nang una siyang lumabas sa Balintataw, Nakalimutan niyang wala na siya teatro. Therefore, nasabi ko sa kanya: BIG movement and loud voice are no longer necessary in TV and film acting. Let the camera pick-up your normal movement and voice. This is important.

Jeffrey, kung kulang sa budget, make your script tight. Bawiin mo sa script na mahigpit, mabusisi, at dialogs na precise at powerful. Ganito ang ginawa namin noon ni Mario Ohara sa TV. Marami kaming mga episodes noon sa Ulila at Alindog na studio taping lang, walang location. In these instances, I made sure that the script is tight and precise like what I have described above.

It will work. Lalo na kung ang film mo ay ipalalabas sa mga filmfest sa ibang bansa. People are so curious how other people from the other side of the globe live their lives.

So far, na-saturate na ang international filmfests ng mga buhay-iskwater. Dapat naman siguro, buhay probinsiya na. Ibang-iba ang dating ng ganito, at dapat ring ipakita ito.

Hindi kailangan ang patayan, bakbakan, murahan at sigawan. It can be very subdued but powerful. Nasa theme at execution ng mga scenes ka babawi.

Although, sa dami ng filmfest na napuntahan ko, alam ko na halos kung ano ang nagugustuhan ng mga manonood. Panoorin mo ang mga films nina PEDRO ALMODOVAR at JOEY GOSIENGFIAO. Click na click ang mga ito sa mga tao sa north America. Yung BABAE SA BREAKWATER ni Mario Ohara ay maliit lang ang budget... and it showed. Pero iba ang touch ni Ohara dito. Ginamitan niya ito ng halos ay narrator na tulad sa Greek Tragedy, using YOYOY VILLAME and his reggaes. Tapos, naroon pa ang touch ng legend at supernatural, at mga characters na tunay offbeat.

Sa dami ba naman ng ating mga istorya sa Bicol involving the malignos and engkantos, and others, napakaraming puwedeng i-explore. Besides, with digital, you won't be wasting films. Maski ilang take ay puwede mong gawin. Kung diyan sa atin, noong film pa ang gamit, kung mag-shooting kami halimbawa ng isang scene na nag-uusap ang dalawang character, sa pagtitipid ng budget, kung minsan, ay ise-set ang camera at ang dialog ng actor 1 ay kukuhanan lahat. Tapos, lahat naman ng dialog ni actor B ay kukuhanan lahat. Ang malungkot nito, minsan ay sablay. Halata ang biglang pag-baba ng boses o pagtaas nito pag-edit ng scene.

Ngayon, with digital, you can shoot the scene twice, letting the characters say the whole repartee. First, the camera focuses on actor 1 while the whole dialogs of both actor will be delivered. Then focusing on actor 2, the whole dialogs will be delivered the second time. Maganda ang kinalalabsan ng ganito. Hindi nawawala ang sudden changes in tone after editing the scene.

Isang halimbawa lang ito ng advantage ng digital filmmaking. Plus with computer editing and musical scoring, abot-kamay lang talaga ng mga filmmaker ngayon ang lahat. Oras lang at panahon ang kailangan mo para gawin ito. Right now, I am trying to learn FINAL CUT PRO. This editing software is so powerful. I suggest that if you're directing your film, it will be best if you edit it yourself as well. Ngayong panahon, talagang AUTEUR na nga ang isang filmmaker. Nasa mga kamay mo ang sinasabi ng iyong pelikula.

Hindi imposible ang pangarap mong ito, Jeffrey. You're young, you're talented and you're passionate. The whole world is right in front of you, waiting to be conquered.

Go for it!