Manong Joe,
Suwerte n’yo pala kasi maganda pa ang sistema sa telebisyon nu’ng kapanahunan n’yo. How I wish I was born earlier. Gano’n din kasi ang kapalaran ko sa komiks, sumibol ako sa generation kung saan matamlay na ang industriya, papalubog na at eventually natigok na. Marami pa sana akong gustong isulat sa komiks kaso paano pa mabibigyang buhay kung patay na ang medium na ‘to. Nakakalungkot nga kasi kung kailan ako nabigyan ng break na makapag-nobela, saka naman nagsara na ang mga publications. Bale, isang nobela lang ang nagawa ko originally, tapos may dalawang novel ni Almel De Guzman na ipinasalo sa’kin sa isa sa mga nagsara ring publication. Iniisip ko nga minsan, what if nu’ng kapanahunan nina Mars Ravelo sumibol ang batch namin? Siguro mas maraming original characters kaming nai-ambag na hanggang ngayon ay ini-imortalize sa mga television series at pelikula.
Sa kalakaran po ngayon sa TV industry, malabong mangyari na iyong original concept ng isang writer ang masunod, talagang maraming makikialam. Sa brainstorming pa lang, kakatayin na ang concept mo. Nariyan ang headwriter, associate producer, executive producer, production manager at unit head, may kanya-kanya silang hawak na patalim para pira-pirasuhin ang ediyang pinaghirapan ng isang pobreng manunulat.
Sa panahon ngayon, kung gusto mong manatili sa telebisyon, dapat para kang isang alagang aso na kapag sinabing “sit” uupo ka, ‘pag sinabing “lay down” hihiga ka, ‘pag sinabing “play dead” magpapatay-patayan ka…dedma! Pati pride mo kailangan mong dedmahin. Kasi kung hindi, mapapaaway ka lang.
Sa kaso ko, mas mahirap, kasi sa komiks ako nag-umpisa, tulad ng alam nating mga komikero, sa bahay lang nagsusulat ang mga komiks writer, tahimik sa sariling mundo niya, tapos ipapasa sa editor ang finished product. Kung malaki ang respeto sa’yo ng mga editors, mababasa mo sa komiks word for word ang sinulat mong script. Masarap sa pakiramdam. Bumuo rin ako ng independent film and theater production sa bikol kung saan ako rin ang nagsusulat at nagdidirek ng mga digital films at stage plays namin. Ginagawa ko kung ano ang gusto ko, sinusulat ko kung ano ang nararamdaman ko at gusto kong sabihin. May nasulat at nai-direk nga akong isang play na pinamagatang “CUATRO CANTOS” (‘pag may pagkakataon ipo-post ko rito ‘yung script nito), tungkol ito sa employment status natin dito sa Pilipinas, family oriented na tumatalakay rin sa moral values nating mga pinoy, simpleng patama sa gobyerno. Pero alam n’yo ba? Na-accredit pa kami ng DepEd at pinayagang i-tour ‘yung nabanggit na play sa mga schools sa bikol. Nagmumura ang mga karakter ko, nagpapakita ng libog, nagpapahayag ng damdamin at walang itinatago, pero nabigyan ako ng laya na maiparating ang mensaheng gusto kong ipahatid sa mga manonood.
Nang pumasok ako sa TV industry, parang nilagyan ng masking tape ang bibig ko, tinakpan ng bulak ang tenga ko, piniringan ang mga mata ko, sinimento ang puso ko!
Sabi nga ng isa sa mga big boss ko: “Kung hindi mo kayang makipagsabayan, baka hindi ito ang mundo mo. Hanapin mo na lang kung saan ka nararapat para hindi masayang ang oras namin sa’yo.”
HINDI KAYA ANG ORAS KO ANG NASASAYANG SA KANILA?
Jeffrey Marcelino Ong
2 comments:
Noy,
Ang sama pala talaga ng environment sa TV ano ? the way you picture it kung ako siguro ang nandiyan, marami na akong nasapak at marami na rin akong kaso ng Assault & battery, o kaya, grave threats, attempted homicide, serious physical injuries, at kung ano ano pang kaso. But you have to have pasensya kasi mi pamilya kang sinusuporta. Bread & butter, ekeing out a living ika nga.
Ayusin mo ang skills mo sa scriptwriting kasi mi chance ka sa mga low-budget films na straight to DVD. Ito ngayon ang bagong cash cow sa Hollywood, at syempre naghahanap sila ng mga bagong talents, foreigners included.
Auggie
Tama iyan, kaibigang uragong Auggie.
Ngayong PURO NA PALA MGA DIYUS-DIYUSAN ang mga tao diyan sa TV, VERY HARMFUL iyan sa isang artist. You can never be creative this way. My, God. Ni sa bangungot ay hindi ko inakalang magiging ganito ang situation diyan sa ating TV. Now I know why the TV shows RTP is producing are ALL CRAP! Lahat nanag nakakarating dito sa GMA at ABS-CBN ay KAHINDIK-HINDIK ang QUALITY. Paano pala'y HINUHUBARAN ang writer at inaalisan na ng dignity, inaalisan pa ng TALENT!
Nakakapag-init ng ulo naman iyan.
But Auggie is right, Jeffrey. DVD movies done in RP are all shown here at the filmfest. Gustong-gusto ng audience dito yung BUHAY na ni sa bangungot ay hindi nila akalain na nararanasan ng mga Pinoy. ANG MASAHISTA was shown here and I had a chat with the director, a guy named Diamante. He actually shot that film on Video then transfered to film so he can submit for International Filmfests. This might be the best vehicle to do your own stuff and be an international filmmaker. O, di ba?
Kaysa naman tatarayan ka ng aking relative na si RICKY LEE, plus the DEMIGODS na mag-di-dip din ng kanilang finger sa cake.
I can't take shenannigans like that. That's really too crappy. Sabihin mo sa mga Diyus-diyusan diyan na sabi kamo ng mga nasa north America na nakakapanood ng kanilang mga BRILLIANT IDEAS ay nasusukang lahat sa quality ng kanilang REPRESSION sa mga talented na manunulat. Now I understand why the shows of TFC an GMA are so horrendous. Ang co-corny! Kaya pala dahil kung ano ang gusto ng mga hindi naman manunulat ang siyang nasusunod.
I really feel for you, Jeffrey. That place is HELL. Maybe sooner you'll be able to go full-time with your own writing and filmmaking and tell the network to take that job and shove it... up their ASSES!
Post a Comment