Dear Tiyo Delo (Manoy Joe Mari Lee),
Maraming salamat sa pag-ukol ng pansin sa blogsite ko, thank you rin sa advice, very much appreciated ko. Ang totoo niyan, sentiments ko rin ‘yung mga nabanggit n’yo. Mid 70’s pa pala kayo nagsusulat, ipinapanganak pa lang ako nu’n. Hehehe! I should listen to you.
Tama lahat ng sinabi n’yo tungkol sa kalakaran sa telebisyon ngayon. Dalawang taon na akong writer sa ABS-CBN, nag-umpisa ako bilang researcher sa isang horror-reality-drama program (NGINIIIG!), tapos binigyan ako ng break na makapagsulat sa documentary version nito. Nanibago nga ako dahil ibang-iba talaga ang sistema ng telebisyon sa komiks. Sa tulad kong maraming taon ring naging komiks writer, nakaka-shock ng system ang biglang pagbabago ng medium. Dati tahimik lang akong nakaupo sa harap ng makinilya ko, bumubuo ng kuwento sa sarili kong mundo, nang mapasok ako sa TV, marami nang nakikialam sa gusto kong gawin sa scripts ko bago ko pa ito tipain sa computer. Lahat sila madada, ‘yung iba akala mo may alam sa pagsusulat kung makapagsalita, nagkataon lang na mas mataas ang posisyon nila bilang production staff, pero kahit isang sequence siguro hindi makakabuo ‘pag pinagsulat. Karamihan sa kanila ego tripper, ginagawang instrumento ang posisyon para i-satisfy ang kanilang pride. Pero dahil likas akong pasensiyoso, hinayaan ko lang na tangayin ako ng agos ng dagat-dagatang apoy sa loob ng kumpanyang nagpapakain sa’kin (hindi ng masasarap na pagkain kundi ng mga sama ng loob, hinanakit at masasakit na salita). Sabi ko sa sarili ko, darating din ang tamang panahon para sa’kin.
Totoong mahirap ang buhay sa telebisyon ngayon, bukod sa mahigpit na kumpitensiya ng mga writer, kailangan mo ring kalimutan na tao ka; nagugutom, inaantok…nasasaktan. “Dog eats dog” sa industriyang ito, matira ang matibay. Kaya nga binawasan ko na ang tiwala ko sa mga nakakasalamuha ko sa mundong nabanggit dahil makapagsiwalat ka lang kahit konti ng pinakaiingatan mong ediya, magugulat ka na lang, ipapalabas na pala ito sa mga darating na araw sa ilalim ng kredito ng mga buwayang “tagatulak ng lapis”(tagatulak dahil utusan lang sila).
Mabuti pala nu’ng araw dahil binabayaran ang writer kapag ni-replay ang sinulat niyang episode, ngayon hindi na, malalaman mo na lang na ipinalabas pala uli ‘yung pinaghirapan mo pero ni ho ni ha wala kang narinig sa mga bossing mo. Ilang beses akong naging biktima ng ganitong sistema, nu’ng malapit nang mawala sa ere ‘yung show namin, panay ang replay ng mga episodes ko, ni singkong duling wala akong nakuhang incentive. Pero kung tutuusin, dahil sa pagre-replay na ‘yun, makailang ulit silang kumita sa mga advertisers. Paano naman ang mga writer?
Nalulungkot ako sa tuwing mare-realize ko na palaging underrated ang mga manunulat, hindi makuha ang nararapat na respeto. Iilan lang sa industriya natin ang mga manunulat na binibigyan ng malaking pangalan at pagkilala, hindi alam ng lahat na marami pang karapat-dapat na bigyang pugay dahil sa dedikasyon nito sa trabaho. Para sa’kin kasi, kapag isa kang “put@#%$%” manunulat, para kang isinumpa. Bahala na kayong magbigay ng kahulugan kung ano ang ibig kong sabihin. Sa mga kasama ko dati sa nabanggit kong TV program, ako ‘yung pinaka-tahimik at pamasid-masid lang, natatawa na lang ako sa ginagawa at ikinikilos ng mga kasama ko, para bang porke nasa isang malaking kumpanya sila ng telebisyon, ang galing-galing na nila. Nu’ng naging writer na ako sa TV, mas maangas pa sa’kin ‘yung mga P.A. at researchers, parang boss kung makaasta kapag wala ang mga superiors. Badtrip! Sabi ko na lang sa sarili ko: “Kaya kong gawin ang ginagawa nila, pero ‘yung ginagawa ko, hindi nila kaya. Kahit maglupasay pa sila at magpagulong-gulong, kung wala ang magic sa kanila bilang manunulat, kahit simpleng dialogue, hindi nila magagawa!”
Marami pa sana akong gustong sabihin pero parang nagiging shock absorber at sumbungan ko na itong blogsite ko, siguro sa ibang araw naman ako magbubulgar ng mga nakaririmarim na sistema sa mundong napasukan ko. Hindi naman sa kinakagat ko ang mga kamay na nagpakain sa’kin ng medyo matagal ring panahon, gusto ko lang bigyan ng awareness ang iba kung sakaling papasukin nila ang parisukat na mundo ng mga bituin.
Tungkol po sa pagkakaroon ng sariling konsepto para sa isang teleserye tulad ng mungkahi n’yo, ilang beses ko nang pinagtangkaang gawin iyon. Sa katunayan, kung hindi nagkaroon ng problema’y tumatakbo na ngayon iyong teleseryeng pinaghirapan naming buuin ng co-writer ko sa loob ng mahigit tatlong buwan kahit walang developmental fee. Nai-depensa ko na ito kina Madam Charo Santos mismo at sa iba pang bossing ng “kapamilya” network, pumasa na sa unang screening, pero pagdating sa finals, natigok, kung ano man ang dahilan, itanong n’yo kay “Palos”.
Gusto ko talagang makapagsulat ng serye sa telebisyon dahil siyempre, mas malaki ang income kung tuloy-tuloy ang mga projects, pangalawa, ‘yung satisfaction kapag nakita mong gumagalaw sa halip na naka-drawing lang ang mga characters mo (tulad ng nasabi n’yo na rin), kaso nabuburo na ako, mahirap i-satisfy ‘yung unit head namin na pinakamakapangyarihan sa grupo, siya ang nagsasabi kung dapat i-push ang isang project o hindi, siya ang nagdidikta kung ano ang DAPAT mangyari sa takbo ng kuwento. Kaya nga nasabi ko kanina na “tagatulak” na lang ng lapis ang karamihan sa mga manunulat sa TV, iyong mga “puppet masters” ang tunay na nagmamanipula sa mga kinababaliwang subaybayang programa ngayon sa TV. Kaya kahit maganda ang konspeto mo, kung hindi niya type, walang mangyayari, magsasayang ka lang ng oras.
Padi, kung piggagamit ka saro diyan a ibang barkada ta, gagamitun ko man sana siya ta nganing makalaog ako sa limelight, si sarong katao kasi diyan ay maray na dalan para mabistong mabilis ining kapwa mo uragon. Kung dae ako magibo ning ibang paagi, magagadan ako kahahalat ning marahay na break. After man ka project na sinasabi ko, sa hiling ko madali na sakuya na makapagpresenta nin sakuyang mga konsepto, kasi may naipahiling na ako. “Dog eats dog” po, manoy.
Siguro lang, natuto na rin akong kumampay at lumangoy sa dagat-dagatang apoy na tintukoy ko kanina.
Truly Yours,
JEFFREY MARCELINO ONG
1 comment:
Holy cow! Grabe na pala ngayon ang pag-aalipusta sa mga writers sa TV?
Alam mo, Jeffrey, noong nasa TV ako, walang ganyanan. Sa bahay ko lang sinusulat ang script, at ako na rin ang pumipili ng cast. The studio gave me the leeway to do this. Walang nagdidikta kung ano ang gusto kong sulatin. Walang makikialam sa script ko kundi ako lang. Basta ang show, bago magsimula, nagme-meeting kami ng producer, director, mainstay actor/actress. Naka-set-up na kung tungkol sa ano ang show. Halimbawa, ALINDOG. Stories of modern Filipina. Mga babaing hindi pa-martir. Mga babaing akam kung ano ang gusto nila at kukunin nila ito kung gusto nila. Kung sa bandang huli ay nasaktan sila, responsable rin sila na harapin ang lahat objectively, squarely. Kaya nga itong show ni Alma Moreno ay risqué talaga ang mga episodes. Lots of kissing scenes and bed scenes. Ang lagi kong ka-team noon ay si Mario O'hara. At marami akong mga kaibigang mahilig mag-artista na isinulat ko sa script ang role para sa kanila at kapag recommended ng writer ang baguhan, tanggap agad sa role. Siyempre hindi ko naman ire-recommend kung hindi pa ready ang may hilig. Some of the people I had introduced were Dennis Roldan and Fanny Serrano. It was Fanny's first TV appearance and I gave him a lead role. A female impersonator being beaten up regularly by his father because the Dad can't accept his gay son. During the taping, the crew and the movie reporters who were present were all touched. Danny Vibas even told me: "Joe, napakalupit mo naman! I think this episode is so heart-rending and violent!"
Well, it was a smash hit episode when it aired. The highest rating ever. Inulan ng calls at sulat ang Channel 2, asking to make Fanny Serrano a regular performer in ULILA. Something that would not happen because it was Rosa Rosal's show. But I have written several more scripts for Fanny, and every time he was on, people just loved him. In an episode called WALANG HANGGAN ANG DILIM NG GABI, Fanny played the role of a beautician whose abusive step father played by Rolando Papasin ended up stabbed to death by Fanny. It made me laugh that the newspaper ads of the show went to say: "FANNY SERRANO is going to kill someone tonight". Naturally, another best selling episode.
At para lang mahalata ang kagurangan ko, aaminin kong sa aking show na ULILA unang na-introduce si Janice de Belen... when she was 6 years old. He-he. She played the role of the younger sister of Michael Sandico, in an episode about a 15 year-old male prostitute played by Sandico.
I like writing controversial themes. When the theme is controversial, rest assured it will be explosive when aired. The audience will be glued to their seats and the ratings will shoot up as well.
It is so sad that nowadays, it seems that the situation is not even close to what it was in the 70s. I was the mainstay writer for 7 weekly TV dramas. I even convinced VINCENT KUA that time to join me in Channel 2 because let's face it, having 7 TV shows running every week is not exactly RELAXING. But Vincent decided to stay in komiks (sabay kaming nag-umpisa sa Atlas. I was 14, he was 17 or 18 then, parang kahapon lamang kuya Eddie).
Now, itong mga asungot sa buhay mo, it is shocking how this thing can happen. During my time, I write my scripts at home. I hand a copy to my producer. The studio will make several copies to be distributed to actors & production people. Then taping day, we go to the studio and do it. My favorite mainstay actress was Rosa Rosal, because she had so many stories to tell me and some of these true to life stories became scripts as well (may pakawawalan ba ang isang writer kung may marinig na magandang story?). At hindi lang iyan. Ang kagandahan pa ng si Rosa Rosal ang artista ko noon, marami siyang kilala sa FAMILY COURT. Nagpupunta ako doon ay pinapayagan ng judge na mag-research ng mga tunay na pangyayari para isulat sa ULILA. Mina ng kasaysayn ang Family Court. Kung may kakilala ka diyan, hindi ka magkakamali sa paghanap ng story. Marami akong nasulat na episodes galing sa mga court transcripts at mga files ng social workers.
Dito ka makakapulot ng mga ginintuang materyales, na kung minsan ay hindi kapani-paniwala, pero kapag naging script na, gripping talaga ang resulta.
I'll give you an example. One case I wrote was that of a 7 year old boy who accidentally shot to death his best friend while playing. Napulot nito ang baril sa may basurahan sa Tondo at naglaro ng baril-barilan at napatay nga nito ang kanyang kalaro.Dahil sa kahirapan ng pamilya, inalis sa Tondo ang bata at dinala sa foster home. When I read the transcript of the case, one particular dialog from the mother really touched me at talagang hindi maaring isulat ko ang script na hindi ko gagamitin ang sinabi niya sa social worker:
"Kung maari siyang tumira sa tahanan ng ibang tao... bakit sa akin ay hindi? Ako na tunay niyang ina?"
The mother was played by Rosa Rosal and the Social worker was played by Alicia Alonzo. The child was Romnick Sarmenta (na noon ay nakakarga ko pa. He-he). I was the writer of most of Romnick's TV show when he was a child. There was BATA, PEPING ANG MUNTING ANGHEL (Spin-off ng Gulong ng Palad), SENYOR SANTO NIño and True Story. Noon nga pala, kapag hindi available sa taping si Alma Moreno sa Alindog ay si Charro Santos ang aming ipinapalit.
Now, I am 48 years old, tunay nang gurang. Nagbalik ako sa pagsurat digdi sa Canada. May project ako sa Cable TV tungkol sa buhay ng mga Filipino sa north America. One is called LUNA ROSSA (REFLECTIONS OF THE PALE MOON) and one simply called LUHA. I will be directing them myself. In English with tagalog subtitles. Pero hinuhugakan na akong marhay. Mas gusto ko pa magpara-pamasyar na sana ta 14 anyos pa lang ako, fresh from High school, nagsurat na ako sa Atlas. Habang nasa university ako, nagsusurat/drawing ako sa Atlas. Pag edad ki 16, inapudan ako kan Channel 2 ta nabasa ninda an mga sinurat ko at in-offer sacuya an magsurat sa TV. Arog sana kaini kadali kaitong panahong bata pa si Sabel. Dai lamang ako ki kulog ki payo.
Walang sinumang maaaring makialam sa trabaho ko as writer. Masaya noon ang magtrabaho as writer sa TV. Of course, you become close to the actors and they become your friends. Isa sa naging memorable sa akin ay si RUFFY MENDOZA. Baka ni hindi mo na ito naalala, but he was 19 years old and a very good actor. He played opposite DIDITH REYES in NANANABIK and BAKIT AKO MAHIHIYA. I watched these films and saw his amazing talent. Naturally, the next episode of Alindog, I wrote something for him. We just became friends quickly and during our taping, he told me his problem about his best friend who is also his business associate. Dino-double-cross siya nito sa kanilang business at sinabi niya sa akin na i-ko-confront niya ito para maayos ang problema. Instantly, I felt a bad vibe deep inside and I told him to be careful. Tumawa lang siya nang sabihin ko ito, and reassured me that everything will be fine. After all, the guy was his best friend. The next day, Ruffy was on the headlines. He was shot to death by his best friend and business associate. It took me a while to overcome the shock and the loss. He was such a nice person and his death was just too senseless.
My advice to you is this. Kapag nagsulat ka ng script, kung ano ang mga sinusulat ng karamihan, ay huwag mong gagawin. Kung ang sinulat nila ay patungo sa right, ang sa iyo, gawin mong patungo sa left. Make sure your characters are strong. Strong characters become like a magnet to the viewers. Weak characters turn off the audience.
And most of all... BE ASSERTIVE. Kapag trabaho, hindi ka nila dapat pakialaman. Huwag moing payagang ganito nang ganito ang mangyayari dahil lalo ka nilang tatapakan.
Though such attitudes of other people happen because of poor management. If the management is weak, you have to assert your right. Tell those smart alecs to FUCK OFF!
Iyan ang maipapayo ko sa iyo and good luck to your writing. Sabi nga ni Erap, WEATHER-WEATHER LANG IYAN. Huwag kang mag-alala. Darating din ang WEATHER MO at humanda sila. He-he.
Post a Comment