Wednesday, January 23, 2008

KAMAGONG


Isa sa paborito kong pocket komiks nu’ng araw ‘yung Super Action Comics ng Atlas Publishing. Kabilang sa mga nobelang inilabas rito ang sinubaybayan ko at hindi binitiwan hanggang wakas, ito ‘yung nobela ni Carlo J. Caparas na “Kamagong”. As I can recall, si Rudy Villanueva yata ang illustrator nu’n.

Taong 1987, isinapelikula ito at ginampanan nina Lito Lapid bilang “Manuel”, JC Bonin bilang “Ariel” at Ruel Vernal bilang “Lorenzo”. Si Carlo J. din mismo ang nagdirek nito.

Nitong Disyembre ng nakalipas na taon (2007), nagkaroon kami ng ugnayan ni Direk Carlo tungkol sa pagsasalin ng nabanggit na nobela-pelikula sa telebisyon. Dahil sa pangungumbinse ko sa kanya na gawing teleserye ang “Kamagong”, ibinenta niya ang rights nito sa ABS-CBN kasabay ng iba pa niyang mga comics novel tulad ng “Pieta”, “Gabriel”, “Kroko”, “Rosenda”, “Valora”, “Kadena De Amor”, “Elias Paniki” at “Berdugo”.

Nabanggit ko sa unit head at production manager namin ‘yung tungkol sa project, excited sila na gawin ito, ang problema lang, kailangan kong maghanap ng kopya nu’ng pelikula para ma-review ng mga bossing ng unit namin. Kaso mahirap nang makahanap ng ganu’n, huli kong napanood ‘yung “Kamagong” sa Cinema One pero nang magtanong ako, wala raw silang kopya. Good thing, nabanggit ko kay Mars Alvir ang problema ko, nagulat na lang ako nang magtext siya at sinabing nakabili raw siya ng kopya nu’ng movie sa Tarlac, pina-LBC niya sa’kin kaya nagawan ko agad ng story outline.

Hindi pa pala doon natatapos ang problema ko. I found out na manipis pala ‘yung movie version, kulang sa mga detalye, mas maganda kung mababasa ko ‘yung nobela mismo sa komiks, sa kasamaang palad, wala na palang compiled copy si Direk Carlo.

Kaya nananawagan po ako sa inyo mga kapwa ko komikero, baka may naitatabi kayong kopya ng “Kamagong” (comics version), napakalaking bagay po kung maipapahiram n’yo sa’kin para mapabilis ang pagsasakatuparan ng proyektong nabanggit.

We have plans na i-modernize ‘yung konsepto, naniniwala ako na magandang project ito kung matutuloy, plano kong isama rito ang mga ka-tropa kong sina Ron Mendoza at Ronald Tabuzo at Mars Alvir para komiks na komiks talaga, mas maganda nga ma-invade ng mga komikero ang telebisyon, e. Hehehe!

Hope to hear from you soon, guys!

9 comments:

TheCoolCanadian said...

Ginoong SENTIMIENTO:

Noong kapanahunan ko, mid-70s, napakaraming trabaho sa komiks kaya ang mga writers sa komiks ay hindi masyadong nag-ve-venture sa labas ng medium na ito. Pero after na makapag-sulat ako sa Atlas, tinawagan ako ng TV station at inalok na magsulat ng drama. Kaya nga nahati ang time ko sa iba't-ibang bagay at ginwa ko na lang sideline ang komiks. I was 16 and TV writing was paying much, much more then komiks in those days, plus iba ang satisfaction mo as a writer kapag nakikita mong "NABUBUHAY" ang mga tauhang ginawa mo, at hindi lang naka-drawing. Kaya nga ang tawag ng stage ay malakas din ang appeal sa akin dahil "nabubuhay" ang mga tauhan at hindi lang 2-dimensional na tulad ng komiks.
Oo nga't unique din ang appeal ng komiks dahil sa ganda ng mga drawing, pero dito rin mag-re-rely kung gaano kaganda lalabas ang buong konsepto ng pinagsamang istorya at guhit. Kung Palpak ang illustrator, patay na. Gano'n din sa TV, stage at Pelikula. Kapag palpak ang artistang gaganap, sira din ang kabuuan ng iyong sinulat dahil hindi lumalabas na tunay na convincing ito dahil sa poor acting, bad delivery of dialogs, bad interpretation of the characters.

Pero ngayong may recession ang komiks, saan pa pupunta ang mga manunulat kundi sa TV? Lalo pa't may recession din ang ating sine. At sa tanghalan naman ay sumusulat ang karamihan for personal satisfaction lamang because playwriting in RP does not pay much.

So, TV na lang talaga ang pag-asa ng mga manunulat ngayon. At dahil pumasok ka sa TV, sensible ang desisyon mong iyan. Pero siyempre, iba na ngayon ang set-up diyan. Noong kapanahunan ko, kapag nag-replay ng itong episode, BAYAD KA ULI. Ngayon daw ay hindi na.
Kunsabagay, noong early 80s ay gano'n na rin ang nangyari. Noong paalis na ako sa ating bansa at kailangang iwanan ko na ang pagsusulat, ang mga sumunod na batch ay hindi na raw binabayaran sa replay episodes. Hindi ako magtataka kung hanggang ngayon ay ganito pa rin ang kalakaran.

May advice lsang ako sa iyo. Bakit hindi ikaw ang magsulat at gumawa ng project kaysa obra pa ni Caparas ang pagsasayangan mo ng oras? My advice to you is: work on your own projects. I can feel your PASSION as a writer, and I was as passionate as you are when I was writing for TV and movies. Why waste your time promoting the likes of Caparas when you can do better yourself?
Caparas is now part of the past. Ni hindi na nga siya nag-uupdate sa mga bagong themes ng ating panahon. Don't waste your time propagating his work. While you're still young and passionate, keep working on your own projects. For all you know you're much better than Caparas as a writer. And this is what I've been trying to tell young writers. It doesn't mean that just because a writer had written so many stories makes him a good writer. It is not the bulk of what one writes, but the quality of the selectivity of truth that one writes about that matters.

I just hope I made you think not to shortchange yourself. The whole world is right before you, kababayang uragon. Bayai na iyan na saro katawo ta dai man ki kamutangan an pigsusurat ka iyan. Passé na gabos, asin dai nang kaibhan. Pauro-utro na sana an mga piggigibo ka iyan. Atamanon mo an sadiri mong obra ta mas may merit iyan na sadiri mong trabaho. Iyan na saro katawo, gagamiton ka lang ka iyan ta gutumunon baga iyan sa ego niya.

Ito ang maipapayo sa iyo ng iyong... Tio Delio.

Pansamantalang namamaalam sa iyo... sa iyo... at higit sa lahat... sa iyoooo...

Rey said...

I used to have a compilation of super aksyon pocketcomics together with other komiks i love to read. Paborito ko rin yung Kamagong. Kaso nga lang, sa tagal sa kahon kinain din ng anay.

Sana matuloy ito at mabigyan talaga ng hustisya yung tunay na istorya.

JEFFREY MARCELINO ONG said...

Dear Tiyo Delo (Manoy Joe Mari Lee),

Maraming salamat sa pag-ukol ng pansin sa blogsite ko, thank you rin sa advice, very much appreciated ko. Ang totoo niyan, sentiments ko rin ‘yung mga nabanggit n’yo. Mid 70’s pa pala kayo nagsusulat, ipinapanganak pa lang ako nu’n. Hehehe! I should listen to you.

Tama lahat ng sinabi n’yo tungkol sa kalakaran sa telebisyon ngayon. Dalawang taon na akong writer sa ABS-CBN, nag-umpisa ako bilang researcher sa isang horror-reality-drama program (NGINIIIG!), tapos binigyan ako ng break na makapagsulat sa documentary version nito. Nanibago nga ako dahil ibang-iba talaga ang sistema ng telebisyon sa komiks. Sa tulad kong maraming taon ring naging komiks writer, nakaka-shock ng system ang biglang pagbabago ng medium. Dati tahimik lang akong nakaupo sa harap ng makinilya ko, bumubuo ng kuwento sa sarili kong mundo, nang mapasok ako sa TV, marami nang nakikialam sa gusto kong gawin sa scripts ko bago ko pa ito tipain sa computer. Lahat sila madada, ‘yung iba akala mo may alam sa pagsusulat kung makapagsalita, nagkataon lang na mas mataas ang posisyon nila bilang production staff, pero kahit isang sequence siguro hindi makakabuo ‘pag pinagsulat. Karamihan sa kanila ego tripper, ginagawang instrumento ang posisyon para i-satisfy ang kanilang pride. Pero dahil likas akong pasensiyoso, hinayaan ko lang na tangayin ako ng agos ng dagat-dagatang apoy sa loob ng kumpanyang nagpapakain sa’kin (hindi ng masasarap na pagkain kundi ng mga sama ng loob, hinanakit at masasakit na salita). Sabi ko sa sarili ko, darating din ang tamang panahon para sa’kin.

Totoong mahirap ang buhay sa telebisyon ngayon, bukod sa mahigpit na kumpitensiya ng mga writer, kailangan mo ring kalimutan na tao ka; nagugutom, inaantok…nasasaktan. “Dog eats dog” sa industriyang ito, matira ang matibay. Kaya nga binawasan ko na ang tiwala ko sa mga nakakasalamuha ko sa mundong nabanggit dahil makapagsiwalat ka lang kahit konti ng pinakaiingatan mong ediya, magugulat ka na lang, ipapalabas na pala ito sa mga darating na araw sa ilalim ng kredito ng mga buwayang “tagatulak ng lapis”(tagatulak dahil utusan lang sila).

Mabuti pala nu’ng araw dahil binabayaran ang writer kapag ni-replay ang sinulat niyang episode, ngayon hindi na, malalaman mo na lang na ipinalabas pala uli ‘yung pinaghirapan mo pero ni ho ni ha wala kang narinig sa mga bossing mo. Ilang beses akong naging biktima ng ganitong sistema, nu’ng malapit nang mawala sa ere ‘yung show namin, panay ang replay ng mga episodes ko, ni singkong duling wala akong nakuhang incentive. Pero kung tutuusin, dahil sa pagre-replay na ‘yun, makailang ulit silang kumita sa mga advertisers. Paano naman ang mga writer?

Nalulungkot ako sa tuwing mare-realize ko na palaging underrated ang mga manunulat, hindi makuha ang nararapat na respeto. Iilan lang sa industriya natin ang mga manunulat na binibigyan ng malaking pangalan at pagkilala, hindi alam ng lahat na marami pang karapat-dapat na bigyang pugay dahil sa dedikasyon nito sa trabaho. Para sa’kin kasi, kapag isa kang “put@#%$%” manunulat, para kang isinumpa. Bahala na kayong magbigay ng kahulugan kung ano ang ibig kong sabihin. Sa mga kasama ko dati sa nabanggit kong TV program, ako ‘yung pinaka-tahimik at pamasid-masid lang, natatawa na lang ako sa ginagawa at ikinikilos ng mga kasama ko, para bang porke nasa isang malaking kumpanya sila ng telebisyon, ang galing-galing na nila. Nu’ng naging writer na ako sa TV, mas maangas pa sa’kin ‘yung mga P.A. at researchers, parang boss kung makaasta kapag wala ang mga superiors. Badtrip! Sabi ko na lang sa sarili ko: “Kaya kong gawin ang ginagawa nila, pero ‘yung ginagawa ko, hindi nila kaya. Kahit maglupasay pa sila at magpagulong-gulong, kung wala ang magic sa kanila bilang manunulat, kahit simpleng dialogue, hindi nila magagawa!”

Marami pa sana akong gustong sabihin pero parang nagiging shock absorber at sumbungan ko na itong blogsite ko, siguro sa ibang araw naman ako magbubulgar ng mga nakaririmarim na sistema sa mundong napasukan ko. Hindi naman sa kinakagat ko ang mga kamay na nagpakain sa’kin ng medyo matagal ring panahon, gusto ko lang bigyan ng awareness ang iba kung sakaling papasukin nila ang parisukat na mundo ng mga bituin.

Tungkol po sa pagkakaroon ng sariling konsepto para sa isang teleserye tulad ng mungkahi n’yo, ilang beses ko nang pinagtangkaang gawin iyon. Sa katunayan, kung hindi nagkaroon ng problema’y tumatakbo na ngayon iyong teleseryeng pinaghirapan naming buuin ng co-writer ko sa loob ng mahigit tatlong buwan kahit walang developmental fee. Nai-depensa ko na ito kina Madam Charo Santos mismo at sa iba pang bossing ng “kapamilya” network, pumasa na sa unang screening, pero pagdating sa finals, natigok, kung ano man ang dahilan, itanong n’yo kay “Palos”.

Gusto ko talagang makapagsulat ng serye sa telebisyon dahil siyempre, mas malaki ang income kung tuloy-tuloy ang mga projects, pangalawa, ‘yung satisfaction kapag nakita mong gumagalaw sa halip na naka-drawing lang ang mga characters mo (tulad ng nasabi n’yo na rin), kaso nabuburo na ako, mahirap i-satisfy ‘yung unit head namin na pinakamakapangyarihan sa grupo, siya ang nagsasabi kung dapat i-push ang isang project o hindi, siya ang nagdidikta kung ano ang DAPAT mangyari sa takbo ng kuwento. Kaya nga nasabi ko kanina na “tagatulak” na lang ng lapis ang karamihan sa mga manunulat sa TV, iyong mga “puppet masters” ang tunay na nagmamanipula sa mga kinababaliwang subaybayang programa ngayon sa TV. Kaya kahit maganda ang konspeto mo, kung hindi niya type, walang mangyayari, magsasayang ka lang ng oras.

Padi, kung piggagamit ka saro diyan a ibang barkada ta, gagamitun ko man sana siya ta nganing makalaog ako sa limelight, si sarong katao kasi diyan ay maray na dalan para mabistong mabilis ining kapwa mo uragon. Kung dae ako magibo ning ibang paagi, magagadan ako kahahalat ning marahay na break. After man ka project na sinasabi ko, sa hiling ko madali na sakuya na makapagpresenta nin sakuyang mga konsepto, kasi may naipahiling na ako. “Dog eats dog” po, manoy.

Siguro lang, natuto na rin akong kumampay at lumangoy sa dagat-dagatang apoy na tintukoy ko kanina.

Randy P. Valiente said...

Jeff, kapag natuloy ang Kamagong, mas maganda rin na i-research ang tunay na 'anyo' ng arnis, dahil as Arnis practitioner, kabisado ko na bawat probinsya at lugar ay may kani-kaniyang galaw at estilo ang mga masters.

Pwede kayong lumapit sa Phil Indigenous Games and Sports Commision, nasa Department of Tourism ito at lagi ay nagkakaroon sila ng demonstration tuwing Sunday night (7pm).

Makakatulong ito ng malaki dahil accurate at realisitic ang magiging galaw ng mga arnisador kesa ipahawak lang sa kung sinu-sinong stuntmen.

JEFFREY MARCELINO ONG said...

Randy,

Salamat sa impormasyon, makakatulong ito sa project. Nakita ko sa blog mo may naka-post na kopya ng "Kamagong" komiks version. Kumpleto ka ba niyan?

Randy P. Valiente said...

hindi e. actually pareho tayo ng problema noon, na panoorin ulit ang kamagong movie, buti at meron ka na palang kopya. maglilibot din ako sa mga tindahan para makahanap niyan.

JEFFREY MARCELINO ONG said...

Galing pa ng Tarlac 'yung kopya ko, kay Mars Alvir, pirated nga, e. Hehehe.

Dante said...

Bosing baka pwedeng makakopya ng Kamagong movie mo...hindi ako makahagilap ng kopya nyan eh kahit sa divisoria.com wala din. my email address is dante.rivera@hotmail.com salamat ng marami.

Jerboy said...

Leave the classics alone. Sigurado akong mababastardo laang ang Kamagong kapag ginawang soap opera. Kung remake na pelikula, baka may gana pa akong panoorin. Pero, TV? Nakupo. Maawa kayo.