SUMPANG BUHAY
writer: Lito Java Tanseco
illustrator: Rey Macutay
colors: Meng Fabian
Lalo akong naging nostalgic nang makita ko kung sino ang writer ng kuwentong nasa itaas. Si Lito Tanseco, isa sa mga itinuturing kong matalik na kaibigan sa komiks. Punong-puno ang utak ko ng mga alaala ng mga pinagsamahan namin. Siya ang una kong naging kaibigan sa GASI bago pa man sina Ron Mendoza. Nagkasama kami ni Lito sa isang scriptwriting workshop na binuo ng yumaong Giovanni Calvo, naging mentor din namin doon si Vincent Kua na sumakabilang buhay na rin.
Naaalala ko pa, nang minsang pasyalan ako ni Lito sa Bahay na inuupahan namin, hindi niya naiwasang mainis, bakit raw kasi nagtitiyaga ako sa ganoong tirahan, may paupahan naman sila na maayos. Medyo hindi kasi maganda ang tinitirhan namin ng pamilya ko noong mga panahong iyon dahil magmula nang nag-umpisang bumagsak noon ang komiks, hindi ko na nakayanang umupa ng disenteng tirahan. Sa madaling sabi, nakalipat kami sa pinauupahang bahay nina Lito. Napakalaking bagay nito para sa akin na tinatanaw kong malaking utang na loob sa kanya. Pero may mga pangyayaring nagaganap nang hindi natin inaasahan. Nagkaroon ako ng problema na may kinalaman sa naturang paupahan, nalamatan ang pagiging magkaibigan namin ni Lito. Alam ko, masama ang loob niya sa'kin, hindi na kami nagkausap mula noon at nawalan na ako ng balita sa kanya hanggang ngayon. Sa mga sandaling ito, hindi naaalis sa isip ko na humingi sa kanya ng tawad at paumanhin dahil sa nangyari, hindi ko kontrolado at hindi ko ginusto ang mga kaganapang iyon noon. Naniniwala ako na kayang paghilumin ng panahon gaano man kalalim ang sugat, lalo na't may pinagsamahan kami ni Lito Java Tanseco.
Patalastas: DARKPAGES, STILL AVAILABLE!
writer: Lito Java Tanseco
illustrator: Rey Macutay
colors: Meng Fabian
Binubulatlat ko ang gallery ng website ni Romel Fabian nang matawag ang pansin ko ng obrang nasa itaas, akala ko foreign comics, nang tingnan kong mabuti, lokal pala, iyong mga tipo ng kuwento na lumalabas noon sa mga horror komiks bago bumagsak ang industriya. Sabi ko sa sarili ko: "Sana noong panahon namin, naging ganito kataas ang kalidad ng lahat ng mga obra na mababasa sa mga komiks na pinagsulatan namin." Siguro'y baka nagdalawang isip pa ang mga publishers na isara ang kanilang mga kumpanya. Sa aking pananaw, kung nagkaroon ng ganitong quality ang mga laman ng lahat ng komiks, baka maaaring buhay pa ito hanggang ngayon. Ang problema, hindi ito nangyari dahil sino nga ba namang artist ang mag-aaksaya ng oras na gawing ganito kapulido ang trabaho kung kahit pambili ng tinta ay nahihirapan silang i-produce dahil sa napakabulok na sistemang umiral noong "armaggedon" ng pinoy komiks? Noong panahong ultimo trenta pesos ay itsene-tseka pa ng publisher na tumatalbog pa!
Anyway. those were the days. Wala na tayong magagawa roon, nangyari na, tapos na. Narito na tayo sa panahon kung saan pinipilit nating lagyan ng oxygen ang isang comatose na pasyenteng wala na yatang balak huminga. Sa patindi nang patinding krisis sa bansa, mukhang lalong bumibigat ang ating mga paa para makahakbang pataas sa mga susunod na baytang. Lalo na ngayon na sobrang mahal ng bigas na siya nating pangunahing pagkain.
Ano bang unang bibilhin ng tao? Bigas o komiks?
Haaayyy...nakakadismaya. Mananatili na lang yata talagang alaala ang mga masasayang panahon kung kailanan namumulaklak sa komiks ang mga bangketa, kung saan masayang labas-masok sa mga publications ang mga manunulat at dibuhista.
Nakaka-miss talaga. Ngayon, para mapagbigyan ang passion ng mga komikero, kanya-kanyang diskarte tayo para mailabas ang nag-uumalpas na dugo sa mga ugat ng isang alagad ng komiks. May mga nagpalamon na lang sa kolonyalismo, may ibang sinakop ang internet, may mga naglabas ng kani-kanilang komiks (self-published), may tulad ng grupo namin (Backdoor Publishing) na nangarap suntukin ang buwan pero naubusan ng lakas.
Para sa'kin, kahanga-hangang mga tao ang mga komikero kung pagmamahal sa sining na napili natin ang pinag-uusapan. Siguro'y hindi mawawala ang nag-aalab na pagmamahal natin sa komiks hanggang sa huling hibla ng ating mga hininga.
Anyway. those were the days. Wala na tayong magagawa roon, nangyari na, tapos na. Narito na tayo sa panahon kung saan pinipilit nating lagyan ng oxygen ang isang comatose na pasyenteng wala na yatang balak huminga. Sa patindi nang patinding krisis sa bansa, mukhang lalong bumibigat ang ating mga paa para makahakbang pataas sa mga susunod na baytang. Lalo na ngayon na sobrang mahal ng bigas na siya nating pangunahing pagkain.
Ano bang unang bibilhin ng tao? Bigas o komiks?
Haaayyy...nakakadismaya. Mananatili na lang yata talagang alaala ang mga masasayang panahon kung kailanan namumulaklak sa komiks ang mga bangketa, kung saan masayang labas-masok sa mga publications ang mga manunulat at dibuhista.
Nakaka-miss talaga. Ngayon, para mapagbigyan ang passion ng mga komikero, kanya-kanyang diskarte tayo para mailabas ang nag-uumalpas na dugo sa mga ugat ng isang alagad ng komiks. May mga nagpalamon na lang sa kolonyalismo, may ibang sinakop ang internet, may mga naglabas ng kani-kanilang komiks (self-published), may tulad ng grupo namin (Backdoor Publishing) na nangarap suntukin ang buwan pero naubusan ng lakas.
Para sa'kin, kahanga-hangang mga tao ang mga komikero kung pagmamahal sa sining na napili natin ang pinag-uusapan. Siguro'y hindi mawawala ang nag-aalab na pagmamahal natin sa komiks hanggang sa huling hibla ng ating mga hininga.
Lalo akong naging nostalgic nang makita ko kung sino ang writer ng kuwentong nasa itaas. Si Lito Tanseco, isa sa mga itinuturing kong matalik na kaibigan sa komiks. Punong-puno ang utak ko ng mga alaala ng mga pinagsamahan namin. Siya ang una kong naging kaibigan sa GASI bago pa man sina Ron Mendoza. Nagkasama kami ni Lito sa isang scriptwriting workshop na binuo ng yumaong Giovanni Calvo, naging mentor din namin doon si Vincent Kua na sumakabilang buhay na rin.
Naaalala ko pa, nang minsang pasyalan ako ni Lito sa Bahay na inuupahan namin, hindi niya naiwasang mainis, bakit raw kasi nagtitiyaga ako sa ganoong tirahan, may paupahan naman sila na maayos. Medyo hindi kasi maganda ang tinitirhan namin ng pamilya ko noong mga panahong iyon dahil magmula nang nag-umpisang bumagsak noon ang komiks, hindi ko na nakayanang umupa ng disenteng tirahan. Sa madaling sabi, nakalipat kami sa pinauupahang bahay nina Lito. Napakalaking bagay nito para sa akin na tinatanaw kong malaking utang na loob sa kanya. Pero may mga pangyayaring nagaganap nang hindi natin inaasahan. Nagkaroon ako ng problema na may kinalaman sa naturang paupahan, nalamatan ang pagiging magkaibigan namin ni Lito. Alam ko, masama ang loob niya sa'kin, hindi na kami nagkausap mula noon at nawalan na ako ng balita sa kanya hanggang ngayon. Sa mga sandaling ito, hindi naaalis sa isip ko na humingi sa kanya ng tawad at paumanhin dahil sa nangyari, hindi ko kontrolado at hindi ko ginusto ang mga kaganapang iyon noon. Naniniwala ako na kayang paghilumin ng panahon gaano man kalalim ang sugat, lalo na't may pinagsamahan kami ni Lito Java Tanseco.
Patalastas: DARKPAGES, STILL AVAILABLE!
7 comments:
Ang problema kasi Noy ng industriya, yung mga namumuhunan, wala namang talagang amor sa Komiks as an artform, pera lang ang nakikita nila, kaya parang mga philistines ang mga hinayupak na mga iyan. Ang ideal situation sana, merong mayaman na mamumuhunan, na mi amor din sana sa KOMIKS, at hindi lang pera ang nakikita. Parang si James Warren, mi pagmamahal talaga sa Comics, at naglabas siya ng de calidad . World wide ang mga artists niya including Pinoys. Nakakita ka na siguro ng EERIE, CREEPY, VAMPIRELLA, 1984? Yung bagong mi ari ng HEAVY METAL. si Kevin Eastman, ay komiks aficionado din. Sana mangyari din dito sa atin iyan.
Auggie
Manoy Auggie,
Kung mayaman lang ako, gano'n ang gagawin ko, balewala sa'kin na gumastos ng milyon-milyon para sa totoong pagbuhay sa komiks...kung mayamanan lang ako.
Meron ngang may pera na namuhunan, at mahal rin niya ang komiks, pero hindi pa nila itinodo, kapos pa rin, may missing factor. Mahirap na lang magsalita kasi baka ma-misinterpret ako ng iba nating kasama.
Kami po ng mga ka-tropa ko sa Backdoor (creators ng Dark Pages) ay masasabi kong walang duda ang pagmamahal sa komiks, ang problema...hindi kami mayaman. Kaya kahit anong ganda ng mga ediya at plano namin...hindi ito nag-materialize.Inilabas namin ang DP primarily para subukang bigyan ng first aid ang noo'y naghihingalo nang industriya, hindi namin priority na kumita. Gumapang kami hanggang sa tuluyang hindi na nakausad. Sabi nga ni Ron Mendoza: "We probably were good comics writers but we were terribly-bad businessmen."
KUNG MAYAYAMAN LANG KAMI...
Nakakalungkot talaga isipin na kung sino iyong mga may sapat na pera'y kulang naman sa "matalinong" pagtingin at pag-analisa sa tunay na kalagayan ng komiks nating mga pinoy.
Sana nga, may mga lumitaw na "James Warren" at "Kevin Eastman" dito sa Pilipinas.
Palagay ko meron taong sisipot din na ala Jim Warren at Kevin Eastman sa atin. It's just a matter of time.
BTW, hindi ba kayo naguusap ni KC Cordero ? sa tingin ko mi clout itong si KC sa mga big time publishers at mamumuhunan, para kumbinsihin silang maglabas ng de calidad na Komiks....
Auggie
ini-invite nga kami ni Sir KC na makipagkita sa kanya, siguro one of these days, baka kausapin namin siya ng grupo namin. Actually, iniisip nga naming ipa-handle sa kung sino mang publisher ang pag-imprenta ng mga unpublished materials namin ng Dark Pages at ng isang pang title na hindi pa namin nailalabas.
Maganda naman kasi ang feedback na nakukuha namin sa mga nakabasa na ng Dark Pages, siguro mas i-i-improve pa namin kung magkakaroon ito ng mga kasunod pang issues. Ang pino-preblema namin hanggang ngayon ay ang marketing. Pagdating kasi sa aspetong ito, hindi kami masyadong pamilyar.
Oo nga. Maski man lang sa marketing & promotions aspect eh matulungan kayo ni KC.
BTW, paano ba ako magkakaroon ng mga kopya ng obra ninyo ? how much will it cost me ?please advice, thanks.
Auggie
Saan po ba ang location n'yo? Kung malayo, pwede namin ipadala, kayo na lang bahala sa shipment, ganon po kasi ang gagawin naming sistema sa ibang mga umo-order ng Dark Pages tulad ni Mikail (owner ng Komiklopedia) at ni Kuya Gerry Alanguilan.
P75 each po ang copy nu'ng DP. You can send the amount to any of our bank accounts.
For further info, may landline po kami: 7387319
Thanks!
Halimbawa, i-postal money order ko, kaninong pangalan ang ilalagay ko at anong postal address ang ilalagay ko sa sobre ?
Kung 75 bucks per copy, at 100 pesos ang ipadadala, yung 25 pesos ba eh sapat ng pambayad sa postage & mailing ( snail mail lang, mahal ang LBC at AIR 21) ? please advice...
At ilang back issues pa ba ang natitira diyan sa inyo ?
Auggie
Post a Comment