Medyo matagal akong nawala sa sirkulasyon. May konting pinagkaabalahan lang naman. And I can say na makabuluhan ang inatupag ko nitong mga panahong hindi ako nakakapag-update ng blog na 'to.
May isang project ako with our same group (Backdoor, publisher ng Darkpages) na naumpisahan, this is initiated by a comics legend na hindi ko na muna babanggitin sa ngayon kung sino. Naka-pending ito for some reasons.
Then, recently may nagbukas na bagong oportunidad sa'kin. I 've been attending several meetings with former Senator, now Secretary Heherson Alvarez. Kalihim siya ngayon ng isang sangay ng gobyerno, ang Office of the Presidential Adviser on Global Warming and Climate Change (OPACC). The man is soft spoken, down to Earth and very intelligent. Hindi ako makapaniwala nu'ng una na madalas ko siyang ka-one on one meeting. Parang apo na ang turing niya sa akin kapag magkausap kami.
Anyway, Sec. Alvarez comissioned me as a writer/artist for series of comics projects tungkol sa Global Warming at Climate Change. Pinagagawa niya ako ng mga komiks na ipamimigay sa community, public awareness ito tungkol sa totoong kalagayan ng mundo sa kasalukuyan. Tuwing mag-uusap kami ay palagi akong may bagong natututunan at nakukuhang impormasyon. Ang lahat ng iyon ay nakatulong sa'kin para maisulat ko nang mas madali at maayos ang mga proyekto.
Makikita sa ibaba ang unang komiks na natapos namin. Bukod sa iskrip, ako rin ang nagkulay nito, bunga ng pag-eeksperimento ko sa paggamit ng Photoshop (na bigla ko na lang natutunan). Idinibuho at niletrahan ito ni Vovoi Lim.
Sana magustuhan n'yo ito at kapulutan ng impormasyon.

9 comments:
ayos! tagal mo nawala a hehehe
Jeff,
Libre pala ang komiks na ginawa mo, baka puwedeng ipagreserba mo ako ng isa for my own collection. Bigyan mo rin ang Komiklopedia web administrator for his own collection and file too. Thanks. Welcome back!
Randy at Arman,
I'm coming back for good. Hopefully kahit once a week makapag-update ako nitong blog ko. Ipamimigay na ang komiks na ito sa susunod na linggo. May mga susunod pang issues kung saan may adventure si Carbon Cutter. Bibigyan ko kayo ng kopya. Thanks for visiting my blog.
Jeffrey:
It's good you're back.
Maganda itong project mo sa global warming. Para ngang nagkakaloko-loko na ang mundo. Alam mo bang... April na, pero napakalamig pa rin dito sa northwest? This is the coldest year I've ever had here in north America. Napakahaba ngayon ng Winter dito. Dapat pagpasok ng March, mag-uumpisa na ang init. Buong March ay nagyeyelo kami dito.
Out of whack talaga ang weather these days.
Palagay ko, kailangan mong gumawa rin ng komiks tungkol naman sa HINDI PAGTATAPON NG BASURA kahi't saan diyan sa ating bansa. Para kasing walang pakialam ang mga tao ngayon diyan sa kalinisan ng mga kalsada at sa lahat ng kapaligiran.
Marhay kunta kun magibo mo man su mga digital films na mga plano mo kaito. Good luck and may you get busier by having more projects.
Jeff,
Congrats at nasa DEVCOM ( Development Communication) ka na pala ngayon. It's a good advocacy, and very timely. Nasaan ba ang editorial offices ninyo ? mukhang very sufficient ang funding mo ?
Sana ang susunod na assignment mo eh ang tungkol naman sa OVERPOPULATION ISSUES.....
Auggie
Manoy JM,
Salamat sa pagsilip sa blog ko. Naka-line up nga ang tungkol sa basura, magkakaroon ng issue ng komiks na sa proper disposal of garbage ang focus.
Nakakatakot nga ang mga nakukuha kong impormasyon, kung accurate ang mga sinasabi ng mga scientist tungkol sa paparating na delubyo 42 years from now ay parang armageddon na. Kung hindi man natin ito abutin, iyong mga anak natin o apo ang magsa-suffer.
Nasa plano ko pa rin ang paggawa ng mga digital film, kailangan ko lang ng sapat na panahon at budget. Baka nga maging konektado sa environment ang tema ng mga gagawin ko kung sakali.
Manoy Auggie,
Sad to say wala kaming editorial office. Sa bahay lang ako nagtra-transact. Telepono, computer at internet lang ang armas ko. Pumupunta lang ako sa MalacaƱang for meetings.
Ok lang naman ang funding, good enough para maka-survive sa hirap ng buhay ngayon. Mas mabuti na rin itong makabuluhan ang ginagawa, kahit paano may maiiwan akong legacy dahil sa mga komiks na magagawa ko.
May nauna po kaming project na may focus sa over population at poverty, naka-pending lang po ito sa ngayon.
Jeff, kamusta na espren?
pengi naman akong kopya neto.
saan ka nga pala ngayon? :)
san po ba pwedeng makabili nito
Post a Comment