Medyo matagal akong nawala sa sirkulasyon. May konting pinagkaabalahan lang naman. And I can say na makabuluhan ang inatupag ko nitong mga panahong hindi ako nakakapag-update ng blog na 'to.
May isang project ako with our same group (Backdoor, publisher ng Darkpages) na naumpisahan, this is initiated by a comics legend na hindi ko na muna babanggitin sa ngayon kung sino. Naka-pending ito for some reasons.
Then, recently may nagbukas na bagong oportunidad sa'kin. I 've been attending several meetings with former Senator, now Secretary Heherson Alvarez. Kalihim siya ngayon ng isang sangay ng gobyerno, ang Office of the Presidential Adviser on Global Warming and Climate Change (OPACC). The man is soft spoken, down to Earth and very intelligent. Hindi ako makapaniwala nu'ng una na madalas ko siyang ka-one on one meeting. Parang apo na ang turing niya sa akin kapag magkausap kami.
Anyway, Sec. Alvarez comissioned me as a writer/artist for series of comics projects tungkol sa Global Warming at Climate Change. Pinagagawa niya ako ng mga komiks na ipamimigay sa community, public awareness ito tungkol sa totoong kalagayan ng mundo sa kasalukuyan. Tuwing mag-uusap kami ay palagi akong may bagong natututunan at nakukuhang impormasyon. Ang lahat ng iyon ay nakatulong sa'kin para maisulat ko nang mas madali at maayos ang mga proyekto.
Makikita sa ibaba ang unang komiks na natapos namin. Bukod sa iskrip, ako rin ang nagkulay nito, bunga ng pag-eeksperimento ko sa paggamit ng Photoshop (na bigla ko na lang natutunan). Idinibuho at niletrahan ito ni Vovoi Lim.
Sana magustuhan n'yo ito at kapulutan ng impormasyon.